Chapter 42

1.6K 43 12
                                        


Chapter 42: Tragedy

Kryshee

"Damn it, Sylvester!"

Nanigas lalo ako sa kinatatayuan nang humiwalay sa akin si Sylvester at nilingon ang sumigaw na si Sylvestian. May inihagis ito sa kanya at napaawang ang labi nang makitang baril iyon.

Hinawakan ako ni Sylvester sa kamay at hinila ako papunta sa likod niya.

"Don't be scared, honey. Stay with me, stay there." Kalmadong bulong niya sa akin at kahit natitigalgalan sa nangyayari ay pilit akong tumango.

Sinilip ko si Sylvester nang umarap ito sa isang sulok ng hardin. Nakita ko ang pagngisi nito na ikinakilabot ko. He was smirking like a demon!

"Don't try to play with me, Shane. Come out, b*tch" nakakaloko nitong sabi at sa puntong iton ay nakangisi din na lumabas mula sa isang sulok ba tinututukan ni Sylvester ng baril.
"I'm not here to play with you, Sylvester" malambing ang boses nito na tila ba walang bahid ng kasamaan nang unti-unting tumalim ang tingin nito sa amin, "because I'm here to kill the both of you"

"So you're here," kalmado ang boses ni Sylvester na nang tignan ko ay ang mukha ay hindi nababakasan ng kahit na anong emosyon. Binaba nito ang baril na hawak.

Tumawa lang ng sarkastiko si Shane at sa isang madilim na bahagi ng hardin ay doon lumabas ang isang matangkad na lalaki.

Umawang ang labi ko sa gulat habang tinitignan ang lalaki na walang emosyon ang mga mata. He looks like Sylvester and Sylvestian. At isa lang ang ibig sabihin nito, isa siyang Montefiore. And now, I'm sure with who is this man standing beside Shane.

He's Sylvian Montefiore. The youngest Montefiore.

Anong ginagawa niya dito?! And what is the meaning of this? Bakit kasama niya si Shane?

Nasulyapan ko ang magkakambal na nasa labas na pala kasama sina Khalid at ang mga kaibigan ni Sylvester. Pare-parehas silang natigilan nang makita ang kapatid na nasa panig ni Shane.

"W-what is the meaning of this...? Sylvian?" Nababahidan ang gulat sa boses ni Sylvestian na may pagtataka.

Tumaas ang sulok ng labi ni Sylvian na hanggang ngayon ay hindi makikitaan ang mga mata ng kahit anong emosyon.

"Surprise, brother" nakakalokong sagot nito.

Kinabahan ako bigla sa nangyayari ngayon. Paano nagawa ni Sylvian ito sa mga kapatid niya?

Mula sa likod ay hinawakan ko ang kamay ni Sylvester. Hindi siya lumingon pero alam kong napansin niya ang paghawak kong iyon. Pinisil ko ang kamay niya at nararamdaman ko ang panlalamig ng kamay ko dahil sa nerbyos.

"Sylvester.." I was about to say something to stop this but he cut me off.

"Calm down, honey. I will protect you, trust me with this one" bulong niya na ikinailing ko.

"No, y-yung mga bata---"

And as on the cue, the voice of Sylvie invades the intense atmosphere here in the garden.

"Mommy? Daddy?"

Nanlaki ang mata ko nang lumabas si Sylvie sa backdoor mula sa kusina. Wala itong kaalam-alam na nagtatakbo papunta sa amin.

"No! Sylvie, don't---!!" I shouted in nervousness and fear when she tries to run towards us.

Nalampasan niya sina Shane at ganoon na lang ang gulat ko nang bigla nitong hinila si Sylvie at kinulong sa bisig niya. Sinakal nito ang bata gamit ang bisig at nanginginig ang tuhod ko sa panghihina nang tutukan nito ng baril si Sylvie deretso sa ulo.

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon