Chapter 21: SaveKryshee
"Argh" napangiwi ako sa bigat ng dala kong supot na naglalaman ng mga pinabibili sa akin ni Sylvester.
Pagkapasok ko sa condo unit nya ay mabilis akong naglakad papunta sa living room. Ipinatong ko ang mga pinamili ko sa ibabaw ng center table at hinihingal na inilagay ko ang kamay sa bewang ko.
"Ano pang kailangan nyo, master" sarkastikong tanong ko habang nakatingin sa kanya na prente lang na nakaupo sa may couch at nanunuod ng movie.
Tumingin sya sa akin at nagkibit balikat. "Nothing. You can continue what you were doing" sagot nya kaya napabuga ako ng hangin at tumalikod na.
Damn. Ang sakit ng braso ko, tatlong supot kase ang dala ko. Puro beers at snacks ang pinabili nya sa tatlong supot na yun. Kaya ngalay na ngalay ang braso ko ngayon.
Napapangiwi na lang ako at maglalakad na sana palayo nang tawagin nya ulit ako. Napapikit ako sa inis at pagpipigil na sigawan sya.
"Ano yun?" Walang ganang tanong ko at humarap sa kanya.
"By the way, place these beers and snacks in the fridge." Utos nya kaya walang imik ako na kinuha ang mga supot na iyon at dinala sa may kusina.
Kita ko pa na kumuha sya ng ilang beers and snacks bago ko kuhanin yung mga supot kaya medyo magaan na yung supot ngayon.
Nanggigigil na inilalagay ang mga iyon sa fridge. Miyerkules ngayon pero hina-high blood na ako. Tatlong araw mula nang mangyari ang lahat. At kinabukasan noon ay umaga pa lamang ay naha-high blood na agad ako. Kung dati, sweet sya at clingy. Ngayon---arghh! Nakakainis! Pakiramdam ko talaga nananadya na ang lalaking yun eh! Ewan ko kasi parang inaasar nya talaga ako, I can see his freaking face smirking at me when he saw me irritated.
Unti-unti ko nang naiisip na hindi na maniwala sa pinagsasabi nya nung gabing yun. Ewan ko ba kung anong trip nun. Pinagti-tripan ba niya ako?
Napasimangot ako, why did I just even think about falling for him then? Kung ang totoo pala ay pinagti-tripan nya lang ako. Why do I have to believe with his words? If he's not serious saying that. I don't want to assume but I can't stop myself to be it.
Hindi naman kasi imposibleng pinagti-tripan nya ako. I was thinking about it this past few days. Nagsimula yun nung kinabukasan matapos ang gabing yun, di ako makapaniwala na nagdala sya ng babae--- I mean, a unknown girl just came and it turns out that she's Sylvester flirt. He invited her here.
Nakaramdam ako ng kakaibang feeling nang araw na iyon. That heavy feeling. At nagsunod-sunod na iyon hanggang ngayon. Pero nagtataka lang ako kasi wala PANG dumadating ngayon, or hindi talaga sya nag-invite.
Well, when it comes to Sylvester Montefiore, if you want him, you'll look for him, you'll came for him.
Ikaw ang lalapit, ikaw ang mag-aadjust.
Bumuntong hininga ako at umupo sa isa sa mga dining chair at sinubsob ang mukha sa may dining table.
I don't know what to do! Something's weird with him. Argh. Napapansin ko kasi parang minsan sweet sya, then magiging masungit, tapos mang-aasar. His mood is suddenly changes real quick! Kaya hindi ko din maaalis minsan ang awkward feeling.
Napagpasyahan ko na lang na lumabas ng dining area at maglaba ng maruruming damit ni Sylvester.
Pagdaan ko sa may living area ay tinawag na naman ako ng hudyo. "Ano 'yun?" Maikling tanong ko
BINABASA MO ANG
My Love Maid
RomanceMinsan sa buhay natin, may malaking pagkakamali tayong nagagawa. Hindi masisisi ang sarili natin kasi nangyari na. Kailangan nating tanggapin ang lahat, kasi nangyari na. Ngunit may mga pagkakataon na may pangyayaring hindi mo ginusto pero nagbunga...