Chapter 5

2.5K 49 0
                                    

Chapter 5: Goodbyes

Kryshee

Napabuntong hininga ako habang pinag-iisipan kung itutuloy ko pa ba ang sasabihin. Nakakatakot ang magiging reaksyon nila kapag nasabi ko sa kanila ang tungkol dito. Maaaring ikasiya nila ngunit maaaring ikalungkot nila kasi mawawala ako sa tabi nila. Nakakatakot sabihin kaya nagdadalawang isip din ako.

Kailangan ko harapin ito. Tsaka, para din sa kanila ito. Para sa ikagaganda ng buhay at kinabukasan nila. Para sa kasayahan nila. Pero mahirap pa rin talaga para sa akin ang malayo sa kanila.

Sa huli ay napagdesisyonan ko na lang sabihin sa kabila ng pagdadalawang isip ko. Nakikita ko na ang posible nilang reaksyon pero natural na yun para sa mga bata. Lalo na ang mawalay sa kanila ina. Tumikhim ako dahil pakiramdam ko ay may bumabara sa lalamunan ko. Tumingin ako sa kambal na mukhang hinihintay talaga ang sasabihin ko.

"Babies..." Panimula ko at pinagsaklop ang kamay at ipinatong sa lamesa. "Mommy is having a work now. She found a work" dugtong ko at pilit na ngumiti. Itutuloy ko pa sana ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Sylvie, "really mommy?! Can you buy me some clothes and sh--"

"Shut it, Sylvie. Mommy is not done yet in what she was saying. Don't interrupt her, you brat" saway ni Sylvan tsaka sinamaan ng tingin saglit si Sylvie na nag-rolled eyes lang sa sinabi ng kakambal.

"What kind of work, mommy?" Tanong ni Sylvan nang bumaling ang tingin nya sa akin matapos sawayin ang kakambal nito.

"That is what I was saying, baby Sylvan. I will work as a maid. Unfortunately, mommy is going to live in my boss' house to clean his house. My day off or rest day is only in Sunday. So..." Malungkot na binitin ko ang sasabihin. Ramdam ko ang dismaya ng kambal at kahit na ako. Wala eh, no choice ako. If ever I have a choice, edi sana hindi ako mawawalay sa mga anak ko.

"So every Sunday, we can only see each other" pagtatapos ni Sylvan na may dismaya na nakapinta sa mukha at tono ng boses nito. Natahimik ang kambal pero wala akong nagawa. Expected ko na ang reaksyon nila at kitang-kita ang dismaya at lungkot sa kanila.

Bumuntong hininga ako at hinawakan ko sila sa kanilang mga kamay at pilit na ngumiti, "halika nga kayo dito" sabi ko at iginiya sila papalapit sa akin. Kumilos naman ang kambal at lumapit sa akin tsaka ako niyakap.

"Mommy, I will miss you everyday. From now on" malungkot na sabi ni Sylvie habang nakayakap sa akin ng mahigpit at parang ayaw akong pakawalan. Si Sylvan naman ay ngumiti lang pero kita ang peke at lungkot nito at saka yumakap sa akin ng mahigpit.

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon