A/N: Before you start reading this chapter, I want to say, Shout out to Yaz and Kianah for this chapter. Tama na ang tampo mga gaga oh sa inyo na itong chapter na 'to. Pakyu!
Chapter 16: Arguments
Kryshee
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang baritonong boses nya mula sa likod ko. Nanigas ako sa kinatatayuan at parang tuod na nakatayo.
Agad na lumakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba. Gusto kong magpalamon sa lupa at isiping panaginip lang ang lahat ng ito. Hilingin na sana hindi nya narinig yun. Pero nangyari na. At sa pagkakataon na ito ay hindi ko na alam ang gagawin ko. At mukhang ito na ang araw na kinatatakutan ko.
Napansin ko na napatingin si Hannah sa likod ko kung saan nandodoon si Sylvester. Napansin ko ang uneasy feeling nya at sa tingin ko ay ramdam din nya ang kakaibang bigat ng atmosphere sa paligid namin.
"U-Uhh... I-I think I s-should go? S-See you again, Kryshee. B-Bye!" Utal na paalam nya at nagmamadaling umalis.
Sinundan ko sya ng tingin at napahampas sa noo. No... kaming dalawa na naman ni Sylvester ang naiwan.
Mang-iiwan talaga sa ere ang babaeng yun. Tsk.
Anong gagawin ko ngayon?
"Kryshee..." lalong lumakas ang kabog ng puso ko at parang lalabas na ito sa dibdib ko nang marinig ko ang seryoso at malalim na boses nya. Pinagpapawisan na din ako. Natataranta at hindi alam ang gagawin at sasabihin---
Hindi ako nagsalita o gumalaw man lamang. Nanatili akong nakatalikod sa kanya. "Kryshee, we have to talk"
Napatungo ako at umiling. Ayokon magsalita. Ayokong sabihin. Ayoko na mag-usap kami.
"Talk to me and face me, Kryshee! Damn it!" Halos mapatalon ako sa medyo malakas na boses nito. Nilibot ko ng tingin ang mga tao na malapit sa amin na mukhang narinig ang sinabi ni Sylvester. Nakatingin sila sa amin at nagbubulungan.
Napaiwas ako ng tingin at napakagat ng labi. Pikit matang bumuntong hininga ako at napagpasyahang humarap. "A-anu yun?" Napatikhim ako dahil parang may nakabara sa lalamunan ko nang magsalita ako.
Ganun ba ako ka-kabado?
His ocean blue eyes is now glaring at me. "Is that true?" Madiin na tanong nito.
"A-Ang alin?" Painosenteng tanong ko. Tinago ko ang kamay ko na nanginginig sa likod ko at nagcross fingers.
Napaatras ako nang lalo nya akong samaan ng tingin at mabilis nyang hinagip ang wrist ko na kanina lang ay nakatago sa likod ko. Sinubukan nyang lumapit at humigpit din ang pagkakahawak nya sa pulso ko, "don't look at me with that innocent face. You know that I hate liers and definitely lying" he gritted his teeth.
"S-Sylvester--- Master, n-nasasaktan ako. Ano ba" irita ngunit nanginginig na bulong ko.
Natatakot ako na baka kung anong gawin nya sa akin. He really looks mad and I feel scared while looking at him. Natatakot din ako na baka may makarinig sa amin.
Gusto ko nang umalis dito.
"T-Tsaka pwede ba? Wag tayo dito mag-usap." Dugtong ko habang tumitingin sa paligid. Pinilit kong naging maangas ang tono ng boses ko para ipamukha sa kanya na hindi ako guilty at hindi din ako natatakot sa kanya.
Tinitigan nya lang ako ng matalim at kinaladkad ako paalis ng mall. Kaya nagulat ako at nagpupumiglas kasi totoong nasasaktan na ako. Ewan ko kung bakit ganito sya magalit. Nalaman nya lang na may anak ako at hindi ko pa sinasabing anak nya yun pero kung magalit na sya ngayon pa lang ay nakakatakot na. Paano kung sabihin ko na anak namin yun? For sure, he will be mad and blame me.
BINABASA MO ANG
My Love Maid
RomanceMinsan sa buhay natin, may malaking pagkakamali tayong nagagawa. Hindi masisisi ang sarili natin kasi nangyari na. Kailangan nating tanggapin ang lahat, kasi nangyari na. Ngunit may mga pagkakataon na may pangyayaring hindi mo ginusto pero nagbunga...