Chapter 2: MaidKryshee
Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa noo ko sa sobrang init at pagod na aking nararamdaman. Tumigil muna ako sa paglalakad at umupo sa may side walk. Para akong pulubi na nakaupo dito. Hingal na hingal ako at halos maligo na sa sariling pawis na nakaupo dito sa may side walk. Pinagtitinginan ako ng mga tao dito pero wala akong pakialam.
Ilang minuto ay kumuha ako ng pera sa bulsa ko at nanlumo nang makitang 25 pesos na lang ang pera ko. Kumuha ako ng limang piso at bumili ng buko juice, may nagtitinda kasi ng buko juice na palamig malapit sa pwesto ko. Nang makabili ako ay agad kong ininom iyon at uhaw na uhaw na inubos. Buko na ang binili ko para hindi ako ma-dehydrate.
"Kanina pa ako naghahanap, pero bakit wala pa ring tumatanggap?" Bulong ko sa sarili at napapanguso na lang ako habang sinisipa ang bote na nakakalat lang dito sa may dinadaanan ko.
Kanina pa kasi ako nagha-hanap ng trabaho bilang isang maid. Yun lang ang naiisip kong trabaho na may chance na maaari akong makapasok. Marangal naman ang pagiging isang maid at yun lang ang naiisip kong paraan upang mabuhay kaming tatlo ng mga anak ko.
Kailangan na kailangan ko na talaga makahanap ng trabaho lalo na at wala na talaga kaming pera, kinikinita ko na baka bukas ay wala nang pangbaon ang mga bata. Ayoko naman makita silang nahihirapan at tapak-tapakan ng mga kaklase nya. Lalo na at napasok sila sa private school. Marami silang kaklase o ka-schoolmate na mayayaman. Talino lang ang meron sila pero pera ang wala. Ayokong makarinig ng mga panglalait at pagmamaliit sa mga anak ko.
Kailangan ko na talaga maghanap ng trabaho lalo na at sinisingil na ng school ang tuition fee ng mga bata. Mababa lang naman ang tuition fee kasi semi-public na din yung school pero marami pa ring mayayaman na mga bata doon at alam kong ilan sa mga bata doon ay mga matapobre.
Mababaliw na ako kakahanap ng trabaho at gusto ko nang sumuko at magbreak down. Kaso palagi kong naiisip ang mga anak ko. Kailangan ko tatagan para sa kanila lalo na at mga bata pa sila. Gusto ko na magpakamatay kaso wag na lang, gusto ko muna makita at makilala ng nga anak ko ang ama nila. Hindi ko naman sila pinagdadamot sa ama nila, nahihirapan lang ako sa sitwasyon lalo na at hindi ako kilala ng ama nila at hindi alam na may anak sya. Hindi din ako handa, baka kuhanin nya ang mga bata. Nakakatakot. Napabuntong hininga na lang ako at napasabunot sa buhok ko at nanatiling nakatungo.
Patuloy lang ako sa pagsipa nang mauntog ako sa matigas na bagay kaya napaatras ako at napahawak sa noo ko, "ahh.." Daing ko habang hinihimas ang noo kong naumpog.
"Tch."
Natigil ako sa paghimas sa noo kong nauntog at napatingin sa dalawang pares ng sapatos na nakatayo sa harap ko. Dahan-dahan akong napa-angat ng tingin at nanlaki ang mata ko nang makilala ang lalaking nakatayo sa harap ko.
"What are you looking at? Look at what you did!" Inis na singhal nya nang mapansin na nakatitig ako sa kanya. Agad naman akong napakurap-kurap at dumapo ang mata ko sa hawak nitong coke float na wala nang takip at halos wala na sa kalahati ang laman.
"Ano?" Wala sa sariling tanong ko. Hindi mag-sink in sa isip ko ang nangyayari. Pero teka.... Hindi nya ako naaalala?
"Are you stupid or what? Look at my shirt, because of your stupidity nabasa ito. Tumingin ka nga sa dinadaanan mo" masungit at may halong irita ang tono ng boses nito habang kunot ang noo na nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
My Love Maid
RomanceMinsan sa buhay natin, may malaking pagkakamali tayong nagagawa. Hindi masisisi ang sarili natin kasi nangyari na. Kailangan nating tanggapin ang lahat, kasi nangyari na. Ngunit may mga pagkakataon na may pangyayaring hindi mo ginusto pero nagbunga...