Chapter 34

1.9K 60 21
                                    


Chapter 34: The Emotional Forgiveness

Kryshee

"So, marunong pala kayong tumugtog at kumanta?" tanong ko sa pito na nakatambay lang sa may living room. Naririnig ko kasi ang usapan nila tungkol sa gaganaping battle of the bands. Kanya-kanyang reklamo ang pito at bwisit na bwisit kay Ms. Ange.

Kaya bumaba ako galing sa kwarto, kakagising ko lang pero rinig na rinig ko ang ingay ng pito na hindi maka-move on sa sinabi ni Ms. Ange kagabi.

Ang kambal ay mukhang naliligo na naman sa dagat, wala kasi ang mga kaibigan ko dito baka nasa labas at sinasamahan maligo ang kambal.

Napalingon sila sa akin na pababa ng hagdanan. Nagbatian naman sa akin habang si Sylvester ay hindi alam ang gagawin. Kung babati ba or ngingiti na lang.

Pero nagulat ako ng tumayo sya at lumapit sa akin. He kissed me on my forehead and whisper, "How's your sleep, my Queen?"

Halos mamula ang buo kong mukha sa tinawag nya sa akin.

'His Queen?'

Nang makalayo si Sylvester ay nakarinig ako ng pagsipol at asaran nina Khalid.

"tama na 'yan! Tama na! Nabi-bitter kami p*ta"

Napasimangot ako habang pulang-pula ang mukha. Nakita ko ang pagngisi ni Sylvester at gustong-gusto kong hampasin sya sa inis

"nakakain ka na ba, Kryshee?" tanong ni Dylan.

"Hindi pa,"

"may pagkain dun sa kusina, pfft" sagot nito na ikinataas ng kilay ko, "Pinagluto ka ng hari mo" humahalakhak na dugtong ni Axon. Siraulo.

Inirapan ko silang lahat at iniwan sila sa may living room. Papasok sana ako ng dining area nang makasalubong ko si Ms. Ange.

"oh? Mrs. Montefiore, kayo pala." she smiled, "pinagluto ka ng asawa mo, nakahain na ang pagkain sa dining area." anito.

Tumango ako, "ahh sige, salamat"

"sandali lang ma'am, may tatawagan lang ako ng kukuha ng gagamitin ng pitong unggoy para sa battle of the bands nila"

Aalis na sana si Ms. Ange nang pigilan ko sya. Tinanong naman nya ako kung may problema ako.

"ahm.. Ano kase, sigurado na ba yung.. Yung sa pageant?" parang ayoko kasi dumalo. It's just that ayoko magparticipate dun. It's my first time na sumali ako sa pageant.

"oh about that" napapalakpak ito sa kamay, "It will move to the other day. Di pa sinasabi kung kailan. While yung battle of the bands, ngayong gabi magaganap yun"

"why on rush?" biglaan naman kasi talaga. Kahapon lang sinabi sa amin ni Ms. Ange ang event tapos ngayong gabi na agad gaganapin.

She shrugged, "I don't know, mas mabuti na daw ang maaga. Tsaka mas mahaba ang preparasyon ng pageant kesa sa Battle of the Bands."tumigil ito sa pagku-kwento at tinignan ang cellphone. "Sandali lang, ma'am ha?" paalam nito at sinagot ang tumatawag sa cellphone nya. Tumango ako at iniwan sya sa may labas ng dining area.

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon