Chapter 1

3.8K 62 0
                                    


Chapter 1: The Twin

Kryshee

"Kryshee! Kryshee!"

Kasalukuyan akong nagluluto ng almusal nang biglang may tumawag sa akin mula sa labas ng bahay. Natigilan ako sa pagluluto at napabuntong hininga.

Pinatay ko muna ang apoy ng kalan at saka lumabas para makita si Aling Cora. Ang may ari ng inuupahan kong bahay.

"Ano ho yun aling Flora?" Tanong ko at hinahanda ang sarili sa pagbubunganga nya.

"Anong 'ano ho yun aling Flora?!' Aba! Ikaw Kryshee ha! Apat na buwan ka nang hindi nagbabayad ng renta. Anong akala mo, lupa at bahay mo 'to? Aba utang na loob, Kryshee! Kung hindi ka rin naman pala magbabayad ng upa mo na maglilimang buwan na, ay lumayas ka na sa bahay na ito at marami pang gustong umupa dito."  Singhal nya sa akin. Napayuko na lamang ako at hindi nagsalita.

Magli-limang buwan na kasi akong hindi nakakapagbayad sa nire-rentahan namin na bahay. Last week kasi ay tinanggal na ako sa trabaho dahil nagbabawas sila ng empleyado. Wala silang sapat na pera na ipapa-suweldo sa amin lalo na at hindi mabenta ang produkto na binebenta namin.

Isa ako sa gumagawa ng produkto na mga beauty products. Sabon ang ginagawa ko. At dahil nga hindi na sya masyadong mabenta at maraming problema sa negosyo ay nagtanggal sila ng empleyado at kasama na ako.

Kulang din ang sinasahod ko para maipangbayad ng renta namin sa bahay. Kulang pa para sa gagamitin sa bahay. Iba pa kasi ang bayad sa bahay, tubig at kuryente. Ang mga magulang ko naman, matagal nang nawala.

Bata pa lamang ako nang mamatay ang ina ko. Pagkapanganak kasi sa akin ay kasunod ng pagkamatay nya. Habang ang ama ko naman ay namatay dahil sa isang aksidente. Kasabay din noon ang pagbagsak ng kompanya nya.

Gusto akong tulungan at kupkopin ng mga tita ko pero umayaw ako. Ayoko magkaroon ng utang na loob. Nasa tamang edad na rin ako kaya kayang-kaya ko nang mabuhay ng mag-isa. Gusto ko rin mamuhay bilang isang independent. Hindi ko nga lang inaasahan na ganito kahirap iyon. Lalo na sa sitwasyong ito.

"Ano, Kryshee? Magsasalita ka ba? Kelan mo plano magbayad ng renta? Sa katapusan na ng mundo? Aasahan ko ang bayad mo sa loob ng dalawang linggo. Asahan mong nasa labas na ng bahay ang mga gamit nyo" pinal na sabi nito at dinuro pa ako ng hawak nyang pamaypay tsaka tumalikod at naglakad paalis.

Naiwan akong nakatayo at nakayuko sa harap ng pinto. Kahit kailan talaga hindi pumapalya ang matandang iyon na pahiyain ako. Umagang-umaga tsk. Napatunghay ako at tinitigan si Aling Flora na maglakad papalayo. Tumigil sya sa isang nagkukumpulan na mga matatandang babae at nakipag-plastikan. Tsk. Mga chismosa.

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon