Chapter 8

2.3K 53 0
                                    


Chapter 8: Call

Kryshee

Binagsak ko ang sarili ko sa malambot na kama. Napapikit ako at feel na feel ang lambot ng hinihigaan ko. Grabe! It's been a years since I slept in this kind of bed. Gosh! I miss this!

Nakapikit at hindi matago ang ngiti sa labi ko dahil muli ko ulit mae-experience humiga sa malambot na kama. Maliit na bagay lang ito ngunit malaki na ito para sa akin. Ilang taon akong di nakaranas makahiga sa ganitong uri ng kama pero bilang isang taong lumaki sa yaman at naghirap, ang pagtulog muli sa isang malambot na kama at mukhang mamahalin ang gamit at maging ang kama ko ay malaking bagay na sa akin.

Nababahala lang ako dahil paniguradong maninibago ako dito. Nasanay kasi ako sa kama ko sa bahay at minsan ay katabi ko sina Sylvan at Sylvie. May sarili silang kwarto kaso minsan lang nila natutulugan dahil mas guato nilang natutulog sila sa kama ko at katabi ako. Paniguradong mamamahay ako nito at hindi madaling makakatulog. Hay! Na-miss ko tuloy ang kambal.

Napabuntong hininga ako at napamulat ng mata. I stare at the ceiling, thinking nothing.

Agad akong napakurap nang maalala kong aayusin ko pa ang gamit ko. Tumayo agad ako at napalingon sa mga travelling bag ko na nakalapag malapit sa may pinto ng kwarto.

Tumayo ako at lumapit sa may travelling bags ko at kinuha iyon. Dinala ko ito sa ibabaw ng kama ko at nilibot kong muli ng tingin ang buong kwarto.

Saan ko naman kaya ilalagay ang mga damit ko?

Napansin ko ang isang cabinet malapit sa may kama ko. Nilapitan ko ito at binuksan isa-isa ang bawat drawer ng cabinet. Napangiti ako nang makitang wala itong laman. Kaya naman doon ko na nilagay ang mga gamit ko.

Kaka-alis lang ni Sylvester papunta sa opisina. Bago sya umalis ay nagtanong na ako kung saan ang kwarto ko nang mailagay at maisa-ayos ko na ang mga damit at gamit ko. Ibang klase, nakalimutan nya na sabihin sa akin kung saan ang kwarto ko. Pero yung mga rules and regulations kuno nya, mga bilin at mga kondisyon nya di nya malimot-limutan.

Hindi ko alam kung nananadya ba sya o ano eh. Tinuro din naman nya sa akin ang kwarto ko at sinamahan ako para i-guide. Pagkahatid nya sa kwarto ko sa second floor---dalawang pinto ng kwarto ang layo mula sa kwarto nya--- ay agad syang nagpaalam. Sa huling pagkakataon ay sinabi nyang muli ang mga bilin nya sa bahay na akala mo naman mamamatay na. Kasi naman kung makapagbilin wagas! Parang hindi na babalik ng condo nya at  sa opisina na titira. Akala nya ata ay forever na sya doon sa opisina. Kung OA ako, mas OA sya. Jusko!

May pa-Rules and Regulations pa syang nalalaman, ano sya? Principal ng school?! Siraulo. Mga padali ng boss ko, iba din.

Sabi nya, hindi daw nya bahay  ito kaya walang maids quarter. Masyado daw akong maswerte dahil ang kwarto ko daw ay isa sa mga guests' room dito sa condo nya. Kasi kung sa bahay daw nya ako nagta-trabaho bilang maid nya ay sa maids' quarter talaga ako matutulog. Pero ang guest room na nakalaan sa akin o ang kwarto ko ay wala man lang closet! Oo mga bess. Ang ganda ng view, glass wall naman sya. Iba sa kwarto ni Sylvester na may veranda. Malawak sya ngunit kakaunti lang ang mga gamit dito. Mukhang, para lang ito sa mga taong matutulog lang talaga. Siguro kapag may time ako ay dedekorasyonan ko ang kwartong ito. Tutal naman dito na ang kwarto ko.

Infairness sa condo nya ha! May taste din naman pala sya sa fashion.

Inilapag ko sa may itim at maliit na cabinet sa tabi ng kama ko ang alarm clock. I set my alarm clock in 4:00 AM. Mas mabuti nang ganito ka-aga kesa mga 5, pagalitan pa ako.

Nang matapos ako sa paga-ayos ng gamit ko ay napatingin ako sa sa orasan sa may wall call sa taas ng pinto ng kwarto ko. 7:30 am. Plano ko sana matulog kasi inaantok pa ako. Gabi na ako natapos sa page-empake ng gamit ko. Kung hindi pa ako tinulungan ng kambal eh. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto at bumaba na ng hagdan papuntang living room.

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon