Chapter 29

2.2K 61 27
                                        


Chapter 29: The Broken Promises

Kryshee

"Nandito na pala kayo," nakangiting salubong ko sa kambal kasunod noon ay ang pagpasok ni Khalid.

"Hey, mom" sabay nilang bati kaya nagtaka ako. Napakunot ako ng noo na napatitig sa kambal.

Lumuhod ako sa harap nila at parehas na hinawakan sila sa pisngi, "May problema ba?" Tanong ko sa kanila at tinapunan ng tingin si Khalid na nakatingin lang din sa amin, "May nangyari ba?" Tanong ko pa.

Nang titigan ko si Sylvan ay umiling lang ito at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa pisngi nya at mahigpit na hinawakan yun, "Mom, now I know" sabi na lang nito at binaba ang kamay ko tsaka nagpaalam na aakyat daw sa taas upang magbihis.

'Now I know saan?'

Sinundan ko ng tingin ang anak kong lalaki na dere-deretsong umakyat sa taas. Magpapalit daw ng damit.

Bumaba naman ang tingin ko kay Sylvie na ikinasinghap ko, namumuo ang luha sa mga mata nya. "May nangyari ba? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa anak ko at hinaplos ang buhok nya.

Umiling lang sya sa akin at niyakap ako, "nothing, mom. Just stay strong, okay?" Bulong nito sa akin. Takang-taka naman ako at walang kaide-ideya sa nangyayari.

Umalis ang kambal na masaya nang yayain sila ni Khalid kanina. Wala namang mali, pagbaba ko kasi mga tanghali yun, nadatnan ko na lang si Khalid na prenteng nakaupo sa may couch sa living room. Sabi nya ipapasyal nya daw ang kambal at ililibre sa cafe, aayaw sana ako at masyado pang bata ang dalawa para magkape. Ayos lang naman daw yun sabi ni Khalid, sya na lang daw bahala. Pwede naman daw syang mag-order ng gatas doon, sabi nya pa sya naman daw ang may-ari ng cafe na yun. Minsan iniisip ko na din na nagyayabang 'tong isang 'to eh.

Ang lima pang kaibigan ni Sylvester ay missing in action na naman. Katulad ni Khalid, bigla-bigla na lamang nasulpot sa kabahayan iyong limang yun. Kaya di na bago sa akin.

So ayun, pinayagan ko na lang. Di na din kasi nakakalabas ang kambal ngayong bakasyon. Puro na lang gadgets inaatupad pati libro. Minsan lang magliwaliw. Para naman maappreciate nila ang syudad. Baka lalong namuti 'tong mga batang 'to kapag di ko nilabas. Tsaka ayokong may inuuna nila ang pagpapalaki ng utak lalo na kung bakasyon. Minsan kasi masama na din, baka mabaliw pa yung dalawa. Lalo na kay Sylvie na palaging nakaharap sa gadgets, hindi naman kasi masama yung palaging paggamit nya basta may oras sya para magpahinga ng mata. Pero ang masama yung babad talaga maghapon, walang palya. Mawawala lang yung tingin nya sa phone nya kapag kakain at uutusan ko o kung ano pa man ang ginagawa nya. This past few days kung hindi tutok sa cellphone nya ay panay naman ang nuod nito ng TV. Tyaka lang yan mangungulit at magiingay kapag bored na. Nakakapag-alala minsan, masama kasi kung maghapon na babad sa cellphone ang mata mo tapos biglang liligo ng wala man lang pahinga ng kahit 30 minutes to 1 hour. Maaaring mapasma ang mata at malaki ang chance na lumabo. Kaya palaging pinagsasabihan si Sylvie.

There, pinayagan ko sila. Tuwang-tuwa naman ang kambal kasi libre sila ng tito Khalid nila. Maliliwanag ang mukha at masisigla pa silang umalis ng condo. Kaya nakakapagtaka nang ilang oras ay bumalik sila, pero may kakaiba. Matamlay at nanlulumo. Ang palaging nakangising Khalid ay ngayon ay kitang-kita ko ang pag-igting ng bagang nya, ang mga mata at mukha ay walang makikitang kahit anong emosyon.

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon