Chapter 12

2.4K 48 0
                                    

Chapter 12: His Mother

Kryshee

Nagising ako sa liwanag ng sikat ng papalubog nang araw. Bukod doon ay nararamdaman ko din na parang may nakatitig sa akin na nakapagpakunot ng noo ko. Pinanatili kong nakapikit ang mga mata ko at nakikiramdam.

Ilang minuto pa ay naramdaman ko na kumilos ito. Unti-unti kong naaamoy ang mabangong amoy nito. Ang amoy ng pabango na hindi nakakaliyo at masakit sa ilong. Nakakaadik at napakasarap langhapin. At kilala ko ang may-ari ng pabango na yun.

Upang makasiguro ay minulat ko ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang gwapong mukha nito at ang mala-karagatan na kulay ng mga mata nito. Hindi ko na naman mapigilan ang mamangha muli sa asul na mga mata nito. Para akong hinihipnotismo at hinihigop ang kaluluwa ko tuwing natititigan ko ito.

Ang mahahabang pilikmata nito, ang matangos na ilong, mapupulang labi at ang makapal na kilay nito ang bumungad sa akin pagkamulat ng mga mata ko. Sa biglang pagbukas ng mga mata ko ay biglang pagbilis ang tibok ng puso ko. Parang hinahabol sa bilis at lalabas na sa dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok nito, lalo na nang matitigan ko ang maganda nyang mata. Natigil lang ito nang unti-unting bumaba ang tingin nya at dumapo sa labi ko. Hindi ko napigilan ang basain at dilaan ang tuyo kong labi. Doon ay napansin ko ang pag-alon ng adams apple nya.

Tinignan muli nya ako sa mga mata at doon ay natauhan ako. Doon ko lang napansin ang sitwasyon namin ngayon at kung gaano kalapit ang mukha nya sa akin!

Nanlaki ang mata ko at agad ko syang tinulak palayo sa akin at napaupo sa gulat!

"M-master! A-anong ginagawa mo d-dito?" Gulat ngunit naiilang na tanong ko sa kanya at napayakap ako sa unan ko.

Tumikhim naman sya at umiwas nang tingin. Ngunit nahagip ng mata nya ang ginawa ko kaya muli syang tumingin sa akin at ngumisi. "Wag mo nang takpan yan. Wala akong makikita dyan kundi puro kapatagan" nakangising aniya na ikinalaki lalo ng mata ko.

"Bastos! Dont judge the boobs by it's cover!!"singhal ko. Tss. Malalaki na damit ang sinusuot ko at maluluwang kaya napapagkamalan akong flat chested ng hinayupak!

"Really huh? Let me see that. Patunayan mong bundok yan at hindi kapatagan" paghahamon nya.

Aba manyak nga!

Sinamaan ko sya ng tingin at inambahan syang babatuhin ng unan. "Nandito ka ba para laitin ako o manyakin ako?" Sarkastikong tanong ko at inirapan sya. "Ano ba kasing ginagawa mo dito?!" Napipikang tanong ko pa.

Umiwas sya ng tingin sa akin at humiga sa kama ko. "I am here because I need you" aniya at lumingon sa akin tsaka tumingin ng deretso sa mga mata ko.

Natigilan ako sa sinabi nya at hayan na naman ang paghuhumirintado ng puso ko.

'Sylvester, ano bang ginawa mo sa akin?'

"W-what?"

Seryoso syang tumingin sa akin, "I need you. Kailangan kita, Kryshee" ulit nya sa seryosong tono.

Halos mapanganga ako at pilit hinahanapan ng isasagot pero nablangko ang utak ko. Nanatili lang akong nakatitig kay Sylvester na nakatitig din sa akin.

"M-master... a-anong ibig n-nyong s-sabihin" nauutal na saad ko at wala sa sarili. Naririnig ko ang malakas at mabilis na tibok ng puso ko at parang mabibingi ako sa lakas nito. Pigil ko ang hininga ko na nahigit ko kanina sa sinabi nya.

"I need you to cook something delicious for dinner"

Ilang beses akong napakurap sa sinabi nya at natauhan muli. Nakagat ko ang labi ko at umiwas ng tingin. Akala ko kung ano....

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon