Chapter 3

2.7K 60 0
                                    


Chapter 3: The Contract

Kryshee

"I can't believe this! How come?! How did this happened?!" Hysterical na tanong ni Jamie

"Calm down. I'll hang up. Sylvester is coming" sabi ko nang makitang malapit na si Sylvester sa may kotse.

"How can I calm down, girl?! Arg! Alright. Talk to you later" sabi nya at pinatay ang tawag. Agad kong binulsa ang cellphone ko na may 1% na lang ang battery percentage. Ang tibay talaga ng phone ko na 'to. Tsk.

Pagkabulsa ko ng cellphone ay saka naman pagpasok ni Sylvester sa kotse at inabot sa akin ang isang supot na dala nya matapos makapasok sa restaurant. Agad ko naman binuklat ang supot at tinignan ang laman sa loob.

"Para sakin?" Paninigurado ko.

"Hindi, para sakin." Pamimilosopo nya kaya sinamaan ko sya ng tingin. Umiwas sya ng tingin nang makita nya ang talim ng tingin ko, "kumain ka na bago tayo pumunta sa may condo" sabi nya.

Tumango na lang ako at kinuha ang laman ng supot. Nagtake out pala sya ng pagkain doon. Binuksan ko ang lalagyan ng pagkain at napanganga nang makitang isang beef steak ang inorder nya at may drinks na iced tea meron ding isang bote ng tubig. Hindi na ako nagsalita pa at kinain na lang ang pagkain na nakahain. Habang kumakain ay ramdam ko ang titig ni Sylvester kaya tumingin ako sa kanya.

Nanlaki naman ang mata nya nang mahuli ko syang nakatitig sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay kaya naman napaiwas sya ng tingin tsaka sumandal sa may driver seat. "By the way, my name is Sylvester Montefiore. 25 years of age. I am the CEO of MW Company. I owned a resorts, hotel, casino, villas, bar, subdivision, house and lot and others. My father is also CEO of Montefiore Company and he's in Brazil to manage our business there. My mom is a fashion designer, and she's with my father and holding a fashion show by next week. I'm single and not interested in love. Girls are my toys, they are my flings---"

"Too much information. Detailed eh?" Natatawang putol ko sa sinasabi nya. Yung totoo? Nagpapakilala ba sya o nagyayabang lang?

"It's better to know your new boss"

"Okay. But can't you see? I'm eating. You can talk about that after I sign the contract"

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon