Chapter 9

2.3K 47 0
                                    


Chapter 9: Caught

Kryshee

Kahit gulat at takot sa maaaring sabihin o mangyari ay humarap pa rin ako habang palihim na nagdadasal at nagtatawag ng mga santo.

Sa tono pa lamang ng boses nya ay mukhang galit sya. Aish! Narinig ba nya ang lahat? Nakagat ko na lang ang labi ko tsaka napatungo.

"Bakit di mo ako sinasagot?" Inis na tanong nya.

Hindi ako nagsalita at nagiisip ng isasagot. Kinakabahan ako ngayon kasi mukhang sa pagkakataong ito ay makikita ko na ang galit ng isang Sylvester Montefiore. Napabuga na lang ako ng hangin at hindi pa rin nagsasalita.

"Tsk." Rinig kong singhal nya at nanlaki ang mata ko nang nilimot nya ang cellphone ko na nabitawan ko. Hindi agad ako nakapagreact at hindi sya napigilan nang nilimot nya ang aking cellphone.

Pakshet. Cherry mobile pa naman yun. Matibay. Paniguradong on call pa yun at naririnig ni Sylvie ang pinag-uusapan namin.

Nakatingin lang ako kay Sylvester nang itapat nya ang cellphone sa tenga nya. Ako naman ay hindi mapalagay kung aagawin ko ang cellphone ko sa kanya o ano. Natataranta na ang buong sistema ko habang nanlalaki pa rin ang mata pero hindi man lang makakilos ang katawan ko.

Kryshee! Kumilos ka! Kung hindi, bistado ka na!

Nakatingin ako kay Sylvester at nakatitig pa rin sya sa akin habang nakatapat na ang cellphone sa tenga nya. Doon ay naghalo-halo na ang kaba at takot na baka malaman nya na---- no way!!

"Hello? Who i---"

"Master!!" Bulalas ko bago pa nya matapos ang sasabihin nya. Nandodoon pa din ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa kaba ngunit napahinga din ng maluwag at kumalma ang sarili nang makitang inalis nya ang cellphone sa tenga nya.

Kumunot ang noo ni Sylvester at may pagtataka na nakatingin sya sa akin. "M-magpapaliwanag ako, master. B-basta akin na yang cellphone ko" kinakabahang sabi ko at inilahat ang kamay upang kuhanin ang cellphone ko na hawak nya.

Kunot ang noo na nakatitig sya sa akin. Hindi ko alam kung maiilang ba ako o ano sa titig nyang iyon. Paniguradong magtatanong na naman 'to ng kung anu-ano.

Ilang segundo pa syang tumitig sa akin habang nakakunot ang noo bago ibigay sa akin ang cellphone ko. "Salamat, master..." Sabi ko. Ngayon ay pinoproblema ko kung sasabihin ko yung dahilan ko o magpapalusot ako. Pero... Naalala ko yung adobong niluluto ko! "T-teka!! Yung adobong niluluto ko!" Tarantang pagpapalusot ko. Baka maubos din ang sabaw noon. Edi walang sabaw ang adobo na kakainin ng masungit kong amo.

Buti na lang may napalusot ako. Gusto ko mapangiti at matawa sa sarili. Ang galing mo magpalusot, Kryshee. Papalakpakan kita mamaya dahil dyan.

Agad din akong tumalikod sa kanya at nagmamadaling pinatay ang kalan tsaka kumuha ng lalagyan para doon ilagay ang adobo. Nakikiramdam ako habang naghahanda ng kakainin nya. Buti na lang nag-paawat na sya at walang nagawa. Tinignan ko ang cellphone ko habang nakatalikod sa kanya. Napahinga ako ng malalim nang end call na yung call. Inilagay ko na ulit ang cellphone sa bulsa at nagsimula nang gawin ang mga dapat kong gawin.

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon