Chapter 17

2.3K 62 4
                                    


Chapter 17: Father and Son

Kryshee

"Nasaan ka ba? Anong ginawa nila? Anong nangyari?" Sunod-sunod natanong ko.

"Di ako makapunta, gurl. May trabaho ako eh. Busy ako ngayon. Good thing at free ka pala ngayon at walang ginagawa. Tutal ikaw ang nanay ay ikaw na ang pumunta. Di ko alam kung anong nangyari kaya ikaw na ang pumunta para malaman mo" sagot ni Jamie.

Napabuntong hininga naman ako, "oh sige. Ako na ang pupunta" sabi ko at binaba na ang tawag. Ibinulsa ko ito at kinuha ang shoulder bag ko. Humarap ako kay Sylvester na nakatingin din pala sa akin.

"P-pwede ba akong umalis?" Naiilang na tanong ko. Di pa rin ako makamove on sa panghahalik nya sa akin kanina.

"Why? Saan ka pupunta?" Kunot-noong tanong nya.

Agad naglikot ang mata ko at hindi makatingin ng deretso sa mga mata nya. Nag-iisip ng idadahilan. "Dyan lang sa ma---"

"Telling lies again?"

Natuptop ko ang labi ko nang pangunahan nya ako. Napakamot na lang ako ng ulo ko dahil nga nagmamadali ako.

"Basta! Babalik din ako agad" nagmamadaling sabi ko na lang at aalis na sana nang hawakan nya ako sa braso.

Napatigil ako at napapabuntong hininga na hinarap sya."please" madiin na pakiusap ko. "Mabilis lang ako at babalik din ag---"

"Yes. You can go... IF you'll say where were you going."

Peste! Ang kulit!

Di ako makaalis sa kakulitan nya.

"Sa school. Tsk" pag-amin ko at umiwas ng tingin.

"What are you going to do there?"

Napapadyak na lang ako sa inis dahil sa mga tanong nya. Nagmamadali na nga ako, kung anu-ano pa ang tinatanong.

Pumalag ako sa pagkakahawak nya sa braso ko at winaksi ang kamay nito. Kunot-noo ko syang tinignan, "basta! Aalis na ako, bye" mabilis na paalam ko at tumakbo na papalabas ng pinto.

Bago ko tuluyang saraduhin ang pinto ay narinig ko pa ang boses nya na tumatawag sa pangalan ko. Hindi ko na lang pinansin iyon at dali-daling pumasok sa bukas at walang tao na elevator tsaka pinidot ang ground floor.

Di ako mapakali habang hinihintay kong magbukas ang elevator sa 2nd floor at iniisip kung anong nangyari sa mga anak ko.

Nang bumukas ang elevator ay dali-dali akong lumabas pero bago pa ako makalabas ay bahagya akong nauntog sa isang matigas na dibdib. Amoy pa lamang ay kilalang-kilala ko na.

Ang bilis nya ah? Paanong naunahan nya ako at mas mabilis na nakarating dito sa ground floor?

Naiiritang inangat ko ang ulo ko sa lalaking nasa harapan ko, "Ano ba?! Bakit ba ang kulit mo? Tantanan mo nga ako. Nagmamadali ako, mamaya na tayo mag-usap" asik ko sa kanya at tinulak sya patabi kasi nga nakaharang sya sa harap ko.

Sino pa bang makulit na lalaki ang nakaharang sa pintuan ng elevator? Si Sylvester lang naman.

Sya lang naman itong makulit na lalaking kilala ko eh. Miski nga anak ko na lalaki ay hindi makulit. Pero ang ama nito ay nuknukan na ng kulit, minsan nakakabwisit.

"Sasama ako"

"Wag na kasi! Mamaya na, sasabihin ko, okay? Nagmamadali lang ako" mahinahon na sabi ko.

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon