Chapter 23

2.4K 52 2
                                    


Chapter 23: Home

Kryshee

Sinapo ko ang noo ko sa kakulitan nina Khalid at Sylvester. Isama pa ang pagmumura ng dalawa sa harap ng mga bata, mga abnoy talaga.

"Tumigil nga kayong dalawa at tumahimik! Nasa harap kayo ng mga bata" singhal ko sa dalawang mukhang problemado.
Tsk!

Parehas silang napatingin sa akin at umiwas ng tingin. Tumayo naman si Sylvester at lumapit sa akin, "I'm sorry" bulong nya habang ako ay nakatingin lang sa kanya at nagtataka sa kinikilos nya.

Bumuntong hininga ako at dumistansya sa kanya. Binalingan ko ang mga anak ko na nakatingin lang din pala sa amin, "babies, go upstairs at ayusin nyo na ang mga gamit nyo" sabi ko sa mga ito.

"Alis na ako, boss" paalam ni Khalid, tumango lang kaming dalawa ni Sylvester habang ang kambal ay nagpaalam at may pagkaway-kaway pa.

Nang makalabas si Khalid at tumingin ulit ako kay Sylvester na nakatitig pala sa akin, tinaasan ko sya ng kilay "ikaw, master. Tigil-tigilan mo ang pagmumura sa harap ng mga bata. Pinagsabihan na kita kanina"

"Okay, fine. I'm sorry, it won't happen again" sagot nya hahawakan sana nya ako pero umiwas ako.

"Tse!" Irap ko at kinuha ko ang mga gamit na pinamili namin. Aish! Talaga naman 'tong si Sylvester may kaunting damit pa naman kaming nasalba pero binilhan pa kami ng damit.

Hayaan na nga, ginusto nya yun eh. Wala naman akong magawa at kasiyahan din ng kambal ang magpunta sa mall.

Chineck ko yung mga mahahalagang dokumento na thankfully at nasagip din namin. Bubuhatin ko sana ang mga gamit na pinamili nang unahan ako ni Sylvester, "ako na" he insist.

"Hindi na, master. Ako na, maid nyo ako---"

"Shut up"

Natigilan naman ako sa kanya at napailing. Tumingin ako sa kambal na busy na sa pagbubuklat ng mga laruan, "Sylvan and Sylvie" tawag ko sa kanila.

Sabay silang tumingin sa akin, "yes, mom?" Sabay nilang tanong.

"Iligpit nyo muna iyan, didn't I told you na ayusin nyo na ang mga gamit nyo?"sabi ko sa dalawang bata. Ngumuso lang si Sylvie at lumapit kay Sylvester, "daddy, can you tour us here? Pleaassseee?" Aniya sa ama at nagpabuhat pa.

Binuhat naman sya ni Sylvester at ngiting-ngiti na pinisil ang pisngi ni Sylvie. "Sure, baby." Sagot nito.

Tumingin ako kay Sylvan na abala na sa pagligpit ng iba pang laruan na nakakalat at binuhat ang iba. Nilapitan ko sya at binuhat ang ilang mga paper bags. Si Sylvester naman ay dala ang iba, ang dami nyang dala habang buhat buhat nya pa si Sylvie.

"Ako na, halika na. Para makapagpahinga tayo" sabi ko kay Sylvan at ngumiti. Tumango lang ang bata na nakaramdam na din ng pagod.

"What do you think about your dad's condo?" Tanong ko na lang sa kanya at hinawakan sya sa kamay.

"It's awesome and nice, mom." Tipid na sagot nito. Napailing na lang ako, ano pa bang aasahan kong iba pang sasabihin ng anak ko? Eh mahal ang bawat binubuka ng bibig nyan eh. Nakakatakot lang baka sa sobrang sungit at minsan ay tahimik bumaho ang hininga nya. Chos!

"Wow! It's really huge..." manghang usal ni Sylvie habang paakyat kami sa taas. Inaalalayan ko naman si Sylvan paakyat sa hagdan kahit medyo nahihirapan ako sa pagdadala ng gamit.

"I'm tired, mom" sabi sakin ni Sylvan nang makatungtong kami sa taas.

Tuwang-tuwa naman si Sylvie sa nakikita, hays. Namamangyan na naman 'tong batang 'to. Tawang-tawa naman ang ama nito sa kabadjao-an ng anak

My Love MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon