“You may now kiss the bride,” the priest declared. At dahan-dahan iniangat ng groom ang veil na tumatabing sa aking mukha.
I feel very excited. Ang pogi talaga ng groom. Napatitig ako sa mapupula niyang lips. Pababa na para halikan ako.
1..
2..
3.. Ayan na!
Poof! Nawala sa harap ko ang poging groom at napalitan iyon ng mukha ng chubby na babae.
“Hoy, Andrea. Gising! Gising!” si Claire, ang best friend ko.
“Sinira mo ang panaginip ko. Nakakainis ka talaga. Kahit kailan, panira ka,” nakasimangot kong sabi.
“Ano? Kanina pa nga kita ginigising. Mamaya mahuli na naman tayo ni Ms. Avila, guidance office ang bagsak nating dalawa nito.”
Nasa library nga pala kami. Sa sobrang antok ko nakatulog pala ako habang nagbabasa. Napuyat ako kakapanood ng Princess Diaries kagabi.
“Puyat ka na naman? Ano na namang fairytale ang pinanood mo?” masungit nitong tanong.
“Princess Diaries.”
“Tseh! Princess princess. Oh, ayan! Mukha ka ng witch sa laki ng eyebags mo.”
“Grabe ka naman.” Pero pagtingin ko sa pocket mirror na dala ko. Tama nga ito. Nangingitim ang palibot ng mata ko. “Hay! Okay lang. Ang ganda kasi ng kwento eh. Kakakilig!”
“Kahit talaga kailan, Andrea. Ang hilig mo sa mga ganyang drama-drama. Hindi ako maka-relate. Gusto ko horror movies. ‘Yun talaga, panalo!”
“Yuck. Ayoko ng horror. Ano yung mga zombies na may mga laway-laway pa. O kaya naagnas na bangkay, at mga multo. Eww! Kinikilabutan ako sa’yo, Claire."
Mahilig ito manood ng mga horror thriller at suspense. Walang katakot-takot sa mga zombies at mga multo. Ayoko ng ganung klaseng pelikula. Matatakutin pa naman ako.
Gusto ko yung love story. Kinikilig ako sa eksena na nag-aaway muna ang mga bida, pero later on they will end up marrying each other. Feeling ko kasi, ako yung bida at ang crush ko yung bidang lalaki.
“Okay. Kaya nga tayo mag-BFF eh. Opposites attract.” At humagikhik ito.
“Oo na. Ang ingay natin. Mamaya marinig na naman tayo ni Ms. Avila.” Allergic na ako sa masungit na librarian. Markado na kaming magkaibigan sa library, dahil madalas kami nasisita na natutulog o kaya naman nagkukuwentuhan.
“Tara na nga. Next class na.” Tumayo na si Claire at naglakad na palabas. Naiiling naman akong sumunod. Antok na antok pa din ako. At the same time high na high pa ako sa kilig sa napanood ko kagabi.
--
Ako si Stella Andrea Tijares. Junior highschool student ng St. Peter Academy.
Top 1 ako sa klase simula freshmen hanggang ngayon. Siguro dahil din sa sipag ko sa pag-aaral kaya ang dami kong pimples.
Hay naku! Ang pimples ko na naman! Bow!
Mahilig ako sa mga romantic-comedy movies. Feeling ko lagi, ako yung bidang babae.
Kaso sa pelikula, magaganda ang mga bidang babae. Makikinis ang mukha. Hindi tulad ko, tadtad ng pimples. Ay mali, pimples pala na tinubuan ng mukha.
Maraming nagsasabi na maganda daw ako. Pag nakatalikod nga lang. Tss!
Pero, seryoso na.
Sabi ng Mommy ko. Siyempre Mommy mo eh!
Maganda daw ako. Nakuha ko sa kanya ang magagandang pares ng mata, katam-tamang tangos ng ilong at mapupulang mga labi. Mahaba ang mamula-mula kong buhok na medyo alunan.
Maganda ang Mommy ko. Magkasing-ganda nga talaga kami. Pero ‘yun nga lang ‘di ko nakuha ang kinis ng mukha at ng kutis nito.
Morena ako.
5’4’’ lang ang height ko. Maliit ako lalo, dahil hindi naman ako nagsusuot ng mga high-heeled shoes. Baka madapa pa ako.
Kapag naglalakad ako, lagi ako nakayuko. I cover my face with my bangs at lagi akong nakatakip ng handkerchief. Kala tuloy ng iba maarte ako at ayaw ko mausukan. Pero ang totoo noon, I am shy.
I am shy, because I don’t feel pretty.
Wala akong self-confidence.
Kahit matalino ako sa klase. Big deal pa din na hindi ako attractive sa mga boys sa campus. Feeling ko nga nakikipag-close lang ang mga ito sa akin para mangopya ng assignments o ‘di kaya magpaturo ng math subjects.
Hay! Bakit ba kasi tinubuan ako ng pagkadami-daming tagiyawat. Hindi tuloy ako napapansin ng crush ko.
Oo. May crush naman ako talaga. Hindi lang ‘yong mga bidang lalaki sa pelikula ang nagiging crush ko. Sa totoong buhay, may crush talaga ako.
Si Christian Christopher Monteclaro. Senior student.
The guy I always dreaming of.
He is my knight in shining armor when I am the damsel.
He is my Prince Charming and I am Cinderella.
He is the groom in my dreams.
And I am dreaming to be her bride.
BINABASA MO ANG
MARRY YOU, NOT
Teen FictionAndrea always dream of a sweet proposal, a diamond engagement ring and a perfect wedding. She is a fan of romantic-comedy movie and wishes to be those princesses in fairytales. She has a default groom in her number of dreams, and it was Chris. Howev...
