Chapter 26 - Maybe Not Yet Too Late

93 0 0
                                    

Chris’ P.O.V.

“Chris, Anak. Are you sure na babalik ka na ng Pilipinas?” Si Mom iyon. After ng libing ni Jessica napagpasiyahan ko na umuwi ng Pilipinas at ituloy na ang pagpapagawa ng resort na gusto nito.

“It’s okay, Mom. I can manage. Besides, Jessica wants me to push through with the resort.”

Ibinilin ni Jessica na ituloy ko ang pagdedevelop ng resort na nabili nito sa Pilipinas. Hindi na din ito maasikaso ng Dad niya, dahil nagkaka-edad na din. Kaya naman walang ibang mag-aasikaso nito kundi ako.

Huling-habilin kumbaga. Dapat sinusunod daw iyon dahil kung hindi, hindi matatahimik ang kaluluwa nito.

I laughed at the thought. Hindi ako mapamahiing tao. Pero, alam kong para sa anak naming si Jessie ito. Dahil lahat ng mga naipon nito sa pagmomodelo ay ipinangalan nito sa akin upang maipamana nito sa bata.

Malupit ang naging asawa nitong si Harris at nagsisi siyang nagpakasal pa siya dito. Nakipag-divorce din siya dito. Later na lang namin nalaman na malubha na pala ang cancer nito at hindi na kakayanin ng operasyon. Tinatanggihan na din ng katawan nito ang mga gamot.

Iyon din ang naging dahilan kung bakit hindi ko na muna ginustong umuwi ng Pilipinas after kong nalaman na may boyfriend na si Andrea.

I have to take care of my ex-wife and our son.

At ngayon nga na wala na si Jessica. Siguro, it’s about time na ayusin ko naman ang sarili kong mga plano at ang maayos na pagpapalaki kay Jessie.

I got the contract at Empire at nalaman ko na si Andrea mismo ang hahawak ng project na iyon. Hindi niya alam na ako ang client niya kaya malamang magugulat ito.

I wish she will not backed-out!

Sinabi ko din sa Empire na ayoko munang ipaalam ang pangalan ko, dahil ako mismo ang magpapakilala sa team na gagawa ng resort ko.

--

<Pilipinas, one week ago>

 

Isang tao ang agad kong naisip makita. Si Nathan Mikael Montano.

Asan na kaya ang lokong iyon? Matawagan nga. Dahil wala akong cellphone number ng kumag na iyon, sa bahay nila ako tumawag.

“Hello?” Matandang babae ang nakasagot.

“Hello, may I speak with Nathan please?”

“Sino ito? This is his mom.”

“Tita Joyce!” I expressed in delight. Matagal ko na din hindi ito nakikita.

“Sorry, who is this?”

“Si Christian Monteclaro po ito, Tita.”

MARRY YOU, NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon