Chapter 28 - The Client

85 0 0
                                    

Andrea’s P.O.V.

It’s been two weeks, since dumating ako ng Manila from San Felipe pero hindi pa din ako makapag-move-on sa muling pagkikita naming dalawa ng manlolokong Chris Monteclaro na iyon.

Kumukulo talaga ang dugo ko dahil sa hindi ko maipaliwanag kung bakit he could act so normal sa kabila ng nangyari.

Ganun-ganun na lang iyon? How could he?

Hindi na ako nagtagal doon at nauna na akong bumalik ng Manila the next day after ng ground breaking. Parang pinagsisihan ko pa nga ang pag-uwi ko dahil ang buong akala ko, makaka-resbak na ako sa hayop na iyon. Pero, parang normal na normal lang siya.

Ang magaling kong kapatid naman at ang boytfriend nito nagpaiwan at makikipag-catch-up pa daw sa mokong na iyon? Huh! What’s happening to them? It’s so unfair!

Padabog kong ibinaba ang hawak kong lapis, inaaral ko ang blueprint ng resort na bagong project namin. I can’t imagine na ako talaga ang pahahawakin ng board ng project na ito where in fact I could delegate it to one of the best Project Managers. Well, I think pwede ko naman itong ipakiusap sa client mamaya.

As to my immediate boss, I should take it para mapatunayan ko sa board that I am worthy of the promotion. Duh! Of course, I am worthy! For years I’ve been working so hard and so well. I even exceeded their expectation.

 

Sorry, pero hindi naman ako masyadong mayabang, nagsasabi lang ako ng totoo.

Mamaya na namin makikilala ang client na sinasabi nilang galing pa daw ng America, kaya masyado akong maaga ngayon dito sa opisina para i-check ang presentation ng team.

So far okay na ito, based sa standards ko. Whew! Sana pumasa sa matandang investor.

Kung hindi nito magugustuhan ang presentation namin, well, daanin na lang natin sa charm. Napangiti ako habang nagsasalin ng brewed coffee. Ugali ko ng magkape sa opisina habang nakatanaw sa bintana ng 50th floor ng Empire Towers.

I must say that, if hindi ako iniwan ng manlolokong iyon, I might not be where I am now.

Malamang losyang na ako dahil may tatlo na akong anak. Tatlo agad? Two years ang gap bawat isa.

Malamang nasa bahay lang ako at hindi ko nagamit ang pinag-aralan ko. Plain housewife lang ang peg at sobrang dependent sa asawa.

Malamang wala akong magandang career at wala akong self-confidence na meron ako ngayon.

 

Hay! I really hope I could convince myself na hindi ko pinanghihinayangan na hindi niya tinupad ang ipinangako niya noon.

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang mahinang katok mula kay Mimi. Nagdatingan na din ang ibang mga empleyado.

“Good morning, Ms. Stella. Your meeting will start by nine o’clock. Sir Jacob is on the intercom gusto daw kayong makausap.”

MARRY YOU, NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon