Nabalitaan agad ng pamilya ko ang nangyari at nakatanggap agad ako ng text message galing sa Mama ko.
Congratulations, Anak. Maghahanda ako mamaya. Invite your friends. J
Napangiti ako. Ang big deal naman ng pagka-panalo ko. Battle lang naman ito eh. May handa agad?
“Anak, congratulations.” Si Papa naman ito. Hindi ko siya nakita kanina sa loob ng Hall. Pero alam kong andun lang ito at tahimik na nanonood. Niyakap niya ako.
“Thanks po, Papa. Tsamba lang po.”
“Malas lang ni Chris. I felt it na ikaw ang mananalo.” Natatawa si Papa.
“Paano po?”
“Eh, lahat yata ng fairy tales ay pinanonood ninyong dalawa ni Chella eh. Pabil kayo ng pabili sa akin ng VCD.” At natawa ito.
“Oo nga po.” Natawa na din ako. “Papa, maghahanda po talaga si Mama?”
“Oo naman. Proud na proud kami sa’yo anak. Invite mo sila Claire at ang mga classmates mo.”
“Opo, Papa. Thank you po. Pero, di po ba masyadong OA yun? Battle lang i-cecelebrate talaga natin?”
“Sabihin na lang natin na advance party ito ng pagiging valedictorian mo next year.” At hinawakan nito ng mahigpit ang braso ko. “Anak, manang-mana ka talaga sa akin.”
“Oo naman po, Papa.” I agree. Matalino si Papa. At namana ko talaga ang mga brain cells nito.
“At, anak.” Bigla itong bumalik. “You can invite your crush, too.” Sabay kumindat ito at tatawa-tawa.
Namula ako. Really? Si Papa, nag-initiate na iinvite ko sa bahay si Chris?
Sandali lang ako na-excite. Hindi naman mangyayari iyon. Ni hindi nga ito nag-congratulate sa akin eh.
Tinext ko sina Claire at Chella.
Group Message to Claire, Chella: Merienda daw sa bahay later. Naghanda si Mama.
Message sent.
Habang inaantay ko ang reply nila. Nag-ikot muna ako sa mga booth na naka-set-up sa loob ng campus. Gusto kong kumain ng ice cream.
Naglalakad na ako papunta sa ice cream booth ng may magsalita sa likod ko.
“Hi Andrea. Congratulations.” Hindi ako makapaniwala sa nakita ko paglingon ko.
Si Chris! And OMG! Is he really smiling to me?
“Hi P-pres.” Nautal pa ako. Dyahe! “Thank you. Sorry ha? Kung naging rude ako sa’yo kanina bago nagsimula yung Battle. I really don’t mean that.”
“Honestly, I was threatened.” Diretsong sagot nito. “Kaya doon pa lang kinabahan na ako. Na baka matalo mo ako because I can really feel your determination na manalo.” Ngumiti ulit ito at lumitaw ang pantay-pantay at mapuputing ngipin.
Para akong matutunaw. Nahihiya ako dito, kaya napayuko na lang ako. Baka mahalata nito na nate-tense ako. I want to run. Dahil sobrang pinagpapawisan ako ng malamig. Ganito pala ang feeling. Para akong maiihi sa kilig.
Kadiri naman!
“So, congratulations ulit. I think you are walking through the ice cream booth. Come on, my treat. It is my honor to buy you a cup. The newest champion, Andrea Tijares.” At yumukod pa ito.
“Hey, Pres. Huwag ka ngang ganyan. Tsamba lang ‘yun. Alam ko namang ikaw talaga ang deserving na manalo. Sabihin na nating, hindi mo inakala na iyon pa ang match point question. Saka magaling ka. Kinakabahan nga ako kanina eh.”

BINABASA MO ANG
MARRY YOU, NOT
Teen FictionAndrea always dream of a sweet proposal, a diamond engagement ring and a perfect wedding. She is a fan of romantic-comedy movie and wishes to be those princesses in fairytales. She has a default groom in her number of dreams, and it was Chris. Howev...