Chapter 15 - Officially Yours

85 0 0
                                    

New Year’s Eve.

Nakilala ko ang Ate n’ya na si Charice. Maputi ito. Maganda at modernong manamit. College na ito, at sa Manila nag-aaral.

“Ikaw pala ang dahilan kung bakit, masigla itong little brother ko.” Nakangiti nitong sabi habang nagkukuwentuhan kami. Si Chris naman ay kasama ni Papa, inaayos nila ang mga firecrackers sa labas. Sina Mama at Chella naman naghahanda ng makakain.

Napangiti ako sa sinabi n’ya.

“Andrea, sana huwag mong sasaktan si Christian. Simula ng iniwan kami ni Mom, hindi na nagbibigay ng time sa amin si Dad. Puro na lang s’ya work. Kaya kami ni Chris, naghahanap kami ng atensyon galing sa iba. Ako kay Luke, yung boyfriend ko sa Manila. At si Chris sa iyo. And we are both hoping n asana, mahalin ninyo kami.”

Kaya pala hindi nagkukuwento si Chris tungkol sa family n’ya kasi broken family pala ito. Kaya pala kapag tungkol sa pamilya, hindi ito nagbibigay ng atensyon.

I feel sorry for him.

Kaya pala, madalas s’ya sa bahay kasi naman wala naman pala s’yang tahanang mauuwian.

“Ate Cha, pangako ko po. Hindi ko po s’ya iiwanan. Mamahalin ko po si Chris. Maaring mga bata pa lang po kami, pero darating po ang tamang time para po sa amin.”

“Thank you, Andrea.” She smiled at me. Ang gaan din agad ng loob ko sa kanya.

Naghiwalay ang taon na magkasama kaming dalawa. Pati ang aming mga pamilya. Ang saya sa pakiramdam.

Christian Christopher Monteclaro, I will love you forever. I promise you that!

“Happy New Year, Princess. Ang saya ko at kasama kita.” Inakbayan ako nito habang pinanonood namin ang mga makukulay na fireworks sa kalangitan. Napatingin ako sa braso n’yang nasa balikat ko. Pero hindi n’ya ito inalis.

“Masaya din ako Chris. Sana hindi na matapos ang ganitong feeling.” At hindi ko na pinigil ang sarili ko na humilig sa dibdib n’ya.

“Picture, Ate.” Si Chella. Kinuhaan kami ng picture. First picture namin iyon together. “Ang sweet ninyo, baka langgamin na kayo diyan.”

Panira lang ng moment di ba?

Thank you Lord, dahil ito ang pinakamasaya kong New Year.

“Chris, hindi ka ba magsasawa na suyuin ako? Napapagod ka na ba?” Tanong ko sa kanya.

“Of course I will not. Andrea, at first what I feel for you is just special. Day by day na nakikilala kita, I started falling for you. Mahal na kita Stella Andrea Tijares, and I will do my best to win your heart and feel the same for me, too.”

Hinawakan n'ya ang kamay ko and give me a soft kiss on it.

“Chris? You just said na you love me, right?”

“Yes. I love you, my Princess. I will love you always and forever.”

Tinitigan ko s’ya sa mata.

Eye to eye ang peg.

“I love you, too my Prince.” I smiled to him sweetly.

Napamaang ito. Hindi agad nakapagsalita.

“Ang OA ng reaction. Pakisara ng bibig, baka pasukan ng usok ng paputok.” Napahagikhik ako sa itsura n’ya.

“Pakiulit nga ang sinabi mo.”

“Hay naku! Talagang paulit-ulit? Sabi ko po. I love you, too my Prince, Christian Christopher Monteclaro.” At kinurot ko ito sa braso. “Bingi!”

“Whoh! Sinasagot mo na ako. Tama ba?”

“Ay ayaw mo ba? Sige, babawiin ko na lang--” At kunwa’y tumalikod ako sa kanya.

“No. No. Hindi. Ah--”

Natataranta ito. Parang ewan lang.

“Tatandaan mo ang monthsary natin ha? 1st of the month at anniversary natin ay tuwing New Year’s Eve.”

“Okay. Okay.”

Mukhang wala talaga s’ya sa sarili niya.

Hanggang sa kumain na kami at nag-videoke. Hanggang sa nakauwi na sila. Nagtaka lang ako sa kanya. Anong  nangyari doon? Ang ini-expect ko kasi, magtatalon ito at ipapamalita sa lahat. Pero umalis na ito at lahat. Hindi na ako kinausap ulit tungkol doon.

Ang labo lang talaga.

Natulog akong nalilito.

O, sabi ko naman di ba? Next year ko na s’ya sasagutin. Ito na nga di ba? January 1.

--

Kinaumagahan, nagising ako ng ring ng cellphone ko. Hindi ko natingnan kung sino ang tumawag. Antok na antok pa ako talaga.

“Hello?”

“Hi Princess, good morning! Now everything is clear in my mind. Nag-sink-in na s’ya sa utak ko.” Si Chris pala ito. “Thank you for your trust, Andrea. I love you and I will try my best to be good enough for you.”

“Chris naman. Kagabi iniwan mo na lang ako basta. Tapos ngayon, ang aga-aga nanggigising ka naman.” Napasimangot ako. Ayoko pa naman sa lahat naiistorbo ako sa tulog ko.

“Sorry naman, Princess. Hindi ko na kasi matiis na mamaya pa kita tawagan eh. Huwag ka na maiinis.”

“So ngayon na-realize mo na, na may girlfriend ka na?”

“Yes. Yes. I love you. Sige matulog ka na ulit.”

“Okay, thank you. Antok pa talaga ako Prince eh. Sorry ha? I’ll call you later na lang. I love you, too.”

I checked the time. 5:00AM pa lang? Adik talaga iyon. Kaya pala super antok pa ako.

MARRY YOU, NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon