Chapter 32 - Road Trip

65 0 0
                                    

Andrea’s P.O.V.

Papunta kami ngayon sa construction site. Natapos na ang lahat ng mga preparations para sa gagawing resort ng mokong na iyon.

Akalain mo, ang init-init ngayon dahil summer na. Talagang kailangang sumama pa ako sa kanya para sa ocular visit.

Alam na din ng boss ko na gusto ng mokong na ito na ako mismo ang mag-handle ng project. At dahil ayaw nitong mawala sa amin ang project at ibigay sa ibang team at ang banta ng mokong na si Chris na mag-back-out eh pumayag na din siyang mag-side trip ako sa San Felipe. Malapit lang kasi ang site project sa lugar namin.

Dahil inggitero talaga si Edward, nakigaya na din ito. Makiki-bakasyon daw sa amin.

Isinama ko din si Mimi na secretary ko. Well, sa lahat naman ng meeting at business trips ko kasama naman talaga ito lagi.

Natatandaan ko pa ang sinabi ng boss ko sa akin. “Mr. Monteclaro is a good man. Bagay kayo.”

What? Ang dumi ng utak ng boss ko. Ang lakas maka-match-maker. Tingin naman niya pumapatol ako sa may asawa na. Nakaramdam ako ng inis sa boss ko. Feeling ko nabastos ako.

Malayo ang site at matagal ang biyahe kaya hindi economical ang magkanya-kanyang sasakyan, kaya ang ending sakay kami ng isang service van ng Empire. Super Grandia ito kaya comfortable naman kasi intended din ito for long driving.

Ito ang seating position namin sa van.

First line -- Chris and Edward.

Second line -- Mimi and Ako.

Sa unahang upuan ang driver at ang isa pang driver na karelyebo nito.

“Stel, may dala akong swimming trunks. Magsa-sunbathing tayo doon ha?” Si Edward na parang sobrang excited sa bakasyon. Hindi ko alam kung sa pagligo ba sa dagat o dahil kasama si Mimi kaya ito excited. Eh marami naman kaming naging project na resort dati.

“Eh, ano naman ngayon? Wala akong balak makita. Isa pa, ayoko mag-beach mainit.” Ayoko makipag-usap sa kanya. Lalo na me mokong sa tabi.

“Meron ka ba ngayon? Bakit ang sungit mo na naman!”

Nagsimula na naman siyang mang-asar.

“Whatever! Manahimik ka na nga lang. Para kang bata. Nakakahiya kay Mr. Monteclaro. Baka isipin niya eh mas excited pa tayo sa pagbabakasyon, kaysa sa pag-aayos ng resort niya.” Napasulyap ako kay Chris na noon ay nakasandal sa upuan. Hindi ko alam kung nakapikit ba ito o gising dahil nakasuot ito ng sunglasses.

Natahimik naman si Edward. Na-realize siguro nito ang kadaldalan. Pero biglang nagsalita ang mokong.

“May dala din akong trunks. At dahil hindi ka kamo sasama, Ms. Tijares. You will lose the chance to see my six-pack abs.”

MARRY YOU, NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon