Chapter 21 - Painful Past

106 1 0
                                    

(This is a P.O.V. of Andrea’s bestfriend, Claire. This will explain why did the Chris-Andrea lovestory ended. A flashback of the past.)

 

 

Claire’s P.O.V.

Alam kong nag-aalinlangan si Andrea na makipagkita sa akin ngayon. Hanggang ngayon, hindi pa din nito nakakalimutan ang mga nangyari maraming taon na ang nakakaraan. Ako lang ang nakasaksi ng pag-iyak at halos pagkabaliw nito sa pang-iiwan sa kanya ni Chris. At ng malaman ko mula kay Tita Yolly ang reunion na magaganap one month from now, kailangan ko ng gumawa ng paraan para kahit papaano ay magkaroon na din ng closure ang dalawa.

Araw ng graduation ni Andrea, six years ago.

 

Ang araw na pinakahihintay ng bestfriend ko. Hindi lamang dahil sa wakas ay natapos na nito ang kursong Bachelor of Science in Architecture sa University of the Philippines, kundi ito din ang araw na pinakahihintay niya para sa matagal niyang pag-aantay sa tamang panahon ng pag-iibigan nila ni Chris.

 

“Claire, ngayon na din pormal na magpo-propose si Chris sa akin. Iyon ang ipingako niya sa akin. At excited na ako.” Punong-puno ng kasiyahan at kilig ang nararamdaman ni Andrea.

 

“Wow! Talaga? Sige, ako ang number one witness mo.”

 

Ngunit natapos na lahat ang graduation rites. Walang Chris na sumipot. Ang alam naming lahat nagbakasyon lang ito sa Amerika upang dalawin ang kapatid at ang pamangkin nito. At sosorpresahin lang nito si Andrea, ngunit kami ang na-surprise ng hindi ito dumating.

 

Kitang-kita ko noon ang panlulumo sa mukha ni Andrea. Ang pag-uunahang pagpatak ng mga luha nito maging ang paglulupasay nito sa parking lot. Awang-awa ako sa kanya pero wala din akong ideya kung bakit.

 

“Bakit nagawa niya ito sa akin, Claire? Umaasa ako. Akala ko dadating siya. Pero nasaan na nga ba siya? Ha? Dammit!”

 

Si Tito Ricky ay wala din nagawa ng nagsimula ng magsisisgaw si Andrea habang ang ina naman nito na si Tita Yolly ay panay din ang iyak.

 

“Anak, huminahon ka. Baka naman, na-delay lang flight niya. Darating din iyon. Halika na at umuwi na muna tayo.” Si Tito Ricky na bagamat nagdaramdam din ngunit nanatiling mahinahon.

 

“Oo nga naman, Bes. Baka mamaya, dumating na lang iyon bigla sa apartment natin. Tahan ka na.” Maging ako man ay naiiyak na din sa nakikita kong itsura ng kaibigan ko.

 

Iyon lang at pumayag na din siyang umuwi.

 

Kinaumagahan. Hindi ito mapakali sa apartment namin, nagpasiya ang mga magulang nito na umuwi na ng San Felipe dahil walang mag-aasikaso ng shop at may summer class din ang Papa nito.

 

“Claire, akala ko ba na-delay lang ang flight niya? Tinawagan ko si Nathan. Hindi daw dumating si Chris. Bakit?” Nagsimula na naman mangilid ang luha nito.

MARRY YOU, NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon