Malakas ang kabog ng dibdib ko. Kasinlakas ng tugtog ng sound system sa open grounds na iyon. Dito itatayo ang panibagong branch ng Academy na uumpisahan sa isang linggo.
Isang malaking reunion din ang naganap dahil halos lahat ng mga naging student council presidents ay nandoroon, mga faculty at mga retired employees and teachers ng Academy.
“You guys, are very pretty today.” Bati sa amin ni Nathan. Ang layo na nga naman ng mga itsura namin noong highschool kami. Dati neneng-nene pa kami.
I am wearing a yellow corporate mini-dress at pinatungan ko iyon ng kulay pulang blazer na halos kasinghaba din niyon. I wear a pair of red pumps which emphasized my legs. Ipinusod ko ang copper-dyed hair ko at nagsuot ako ng sunglasses. Very corporate look sa isang groundbreaking ceremony sa probinsya. Mainit ang panahon pero ayokong ma-expose ang balat ko. Sleeveless kasi ang mini-dress na suot ko.
Ang kapatid ko naman ay nakasuot ng flowing blouse na kulay puti na naka-tucked-in sa kulay orange na tight-fitting jeans. Nakasuot din siya ng kulay puting high-heeled shoes.
I think na-overdressed yata kaming magkapatid pero we don’t care. Ganito na talaga ang mga fashionstyles namin and I guess mas okay naman iyon kaysa naman magsuot kami ng t-shirt at maong na pantalon.
Ang saya sa pakiramdam na makipagkamustahan sa mga taong nandoon.
Si Ms. Avila, ang masungit na librarian. Katulad ng inaasahan namin, naging old maid na talaga ito.
Si Ms. Magsaysay na magpasahanggang ngayon, adviser pa din ng Juniors Class A. Nagkaroon kami ng chance makapag-kwentuhan.
“Andrea, kamusta na ang Rapunzel ng Junior Class A?” Niyakap niya ako at ramdam ko kung gaano siya ka-proud sa akin.
“I’m good, Maam. So far eh, nag-eenjoy sa pagtatrabaho.”
“Yeah, balita ko nga ay you are a successful architect na ngayon. I am happy and proud na naging advisory class kita. Single ka pa din?” Maintriga din talaga ito hanggang ngayon.
“Yes, Maam. Wala pa sa priority ko ang lovelife.” Nailang ako sa topic pero hindi ko naman iyon ipinahalata.
“You’re not getting any younger, Andrea. You should find someone. Aba eh, hinahanap din yun. Hindi inaantay lang.” At bumulong ito. “Kita mo si Ms. Avila, kakaantay kay Mr. Right, tumandang dalaga.”
Napabungisngis ako. Talaga naman ang adviser ko na ito, kahit kailan talaga malakas mang-asar.
Si Mr. Pete Monteclaro, matanda na. Naka-wheel chair na nga ito dahil inatake na daw ito kaya mahina na ang pangangatawan. Kay Mr. Carlos Monteclaro nalipat ang pamamahala ng Academy simula ng atakehin ang matanda.
I used to call them Lolo Pete and Tito Carlos. Pero noon iyon. When we shook hands kanina. Nakaramdam ako ng tension sa pagitan namin, pero napawi din iyon ng lumapit sa amin sina Papa at Chella.
“Sir Pete, eto na nga po pala ang dalawa kong dalaga.”

BINABASA MO ANG
MARRY YOU, NOT
Teen FictionAndrea always dream of a sweet proposal, a diamond engagement ring and a perfect wedding. She is a fan of romantic-comedy movie and wishes to be those princesses in fairytales. She has a default groom in her number of dreams, and it was Chris. Howev...