Chapter 23 - Family Reunion

93 0 0
                                    

“Mga anak!” Tuwang-tuwang bulalas ni Mama pagkakita sa aming magkapatid pagkababa namin ng sasakyan. “Ang mga magaganda kong anak! Namiss ko kayo!”

Dahil bunso, nagtatakbo si Chella papunta kay Mama.

“Mama, I missed you so much.” At hinalikan nito si Mama at mahigpit na niyakap.

Matamlay akong naglakad patungo sa kanila.

“Andrea, anak, napagod ka ba sa biyahe?” Nag-aalalang tanong ni Mama sa akin ng halikan ko siya pero hindi kasing taas ng energy level ni Chella ang salubong ko sa kanya.

I felt guilty.

“Yes po, Mama. Medyo matagal kasi ang biyahe.”

Naglakad na kami papunta sa gate habang ibinababa ni Nathan ang mga gamit namin.

“Nathan, hijo. Sumunod ka na lang ha? Palalabasin ko ang Tito Ricky mo para tulungan ka diyan.”

“Thanks po Tita Yolly.”

Pagkapasok namin sa bahay. Nagulat ako sa mas magandang ayos nito. Marami ang pagbabagong ginawa nila Mama at Papa. Pinalakihan nila ang aming bahay at ginamit ang excess lot na dating shop ni Mama.

Ang shop kasi ay nasa commercial area na ng lugar namin. Ngayon nga ay pinatauhan muna nila sa mga trabahador nila dahil pinaghandaan ng mga mga ito ang aming pagdating.

“Mga anak.” Si Papa naman ay naabutan naming nagseset-up ng videoke. “Welcome home!”

Niyakap naming magkapatid si Papa.

Videoke pa din ang favorite past-time ng pamilya. Bagamat ako, na-allergic yata ako sa pagkanta.

Dahil naalala mo na naman siya!

“Magpahinga muna kayong magkapatid ha? Mamayang pananghalian bumaba kayo at kumain tayo ng sabay-sabay.” Ang aligaga lang ni Mama di ba?

Pumasok na si Nathan, bitbit ang mga gamit namin.

“Hi Tito Ricky.” At nagmano ito kay Papa.

“Kaawaan ka ng Diyos, hijo. May mga gamit pa ba sa kotse?”

“Meron pa po. Pero ako na ho iyon.” Nakangiting saad nito. Magkasundo din ito at si Papa.

Parang si --.

 

Parang si Chris lang din.

 

Kasundong-kasundo ni Papa si Nathan. Marahil dahil nananabik din itong magkaroon ng anak na lalaki.

“Andrea, uminom ka nitong gamot. Anak naman, hanggang ngayon mahiluhin ko talaga. Hindi ka pa ba nasanay sa traffic sa Manila?” Iniabot sa akin ni Mama ang paracetamol.

MARRY YOU, NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon