Chapter 41 - Courage is On

43 0 0
                                    

Andrea's P.O.V.

Mabilis na lumipas ang mga buwan.

Almost a month to go, opening na ng pinakabagong tourist attraction of the north and Prince JEM Resort.

Here I am having a dinner date with my usual date, Chris Monteclaro.

Sa pagiging on-hand ko sa resort niya, hindi maiwasan na mas maging close kami. Muli ay naramdaman ko sa sarili ko na nawala lahat ng takot at pangamba na mahalin siya ulit at ipakitang special siya sa akin.

Sabi nga ni Claire, loving is also taking the risk. It's better to take the risk, than end-up losing.

Everyday, Chris managed to pick me up from my condo to office. Kahit na abala siya sa maghapong client meetings at kung anu-ano pa, hindi niya nakakalimutang sunduin ako after work. Maliban na lang kung may out of the country and out of town trips ito.

Kung dati halos gabing-gabi na ako umuwi dahil sa trabaho, this time, I make it sure na magkakaroon ako ng time to go out on a date with him.

Sa totoo lang, hindi malinaw sa akin kung ano kami. MU? Magulong usapan? Tsk!

Ang mahalaga, I am happy to be with him. I don't want to assume anything, dahil wala naman siyang sinasabi kung nanliligaw ba siya o is there anything special ako sa kanya. What is clear to me, is that we are friends. Or I may say that we are in a working relationship.

Kapag tinatamaan ako ng depression, iniisip ko na lang na at least this will be a good mark on my promotion dahil I have established a good rapport with my client.

"Hey, Andrea, how's your day?" He asked while chewing his food.

"Hm, my day went well. As usual, puro instructions and meetings." I replied shortly. Ayokong masyadong magkwento dahil trabaho na naman ang topic. Pwede ba yung personal naman naming dalawa ang pag-usapan?

"Ilang weeks na lang, opening na ng JEM's; I am very excited." He exclaimed. Halata sa boses niya ang fulfillment at the same time excitement.

"Yeah, in a month time. Okay na tayo sa soft launch." Short answer again. Wala ako sa mood talaga.

"Are you okay? Parang matamlay ka yata?" He hold my hand. I looked into his eyes.

Oh my God! Kung alam mo lang na gustong-gusto na kitang kutusan, dahil nakakainis ka na. Bakit ba hindi niya linawin kung ano ba talaga kami?

"Ah, wala ito." Binawi ko ang kamay ko. "I must be tired. Uwi na tayo agad after nating kumain. I want to take a rest na."

"Alright. I hope na pagod lang nga iyan at wala ng ibang dahilan." He said before sipping his wine.

Napamaang ako at tumingin sa kanya.

"What do you mean?" I asked.

Nagkibit-balikat ito. "I know you, a lot, Andrea."

Natahimik ako.

Ayokong magsalita!

Basta, ayokong magtanong!

Bahala siya sa buhay niya!

Ayokong maging assuming!

MARRY YOU, NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon