Academy Foundation Day is fast approaching. Everyone is excited for the upcoming activities. Festive na din ang environment. Marami sa mga students ay nagre-rehearsals na. Kabi-kabila na din ang tune-up games at auditions.
Tuwing Foundation Day, maraming activities ang nangyayari sa campus.
Sports competition. Talent search. Beauty pageant. Mga ibat’ ibang klaseng booth at mayroon ding Inter-Level Battle of the Brains.
Kung ang lahat ay excited, ako hindi. Kinakabahan ako.
This year, ako daw ang ilalaban ng Junior Level para sa Battle of the Brains. Two years na akong nagdadahilan sa class adviser namin na di ako makakasali. Andung may lagnat ako, o di kaya may family event. Pero ngayong taon na ito, hindi na ako nakalusot. I-dedemerit na daw ako kapag di pa ako sumali.
Oo nga naman, naturingang Top 1, ayaw lumaban sa Battle of the Brains?
Kinakabahan talaga kasi ako.
Hindi lang dahil sa ako ang pambato ng Juniors kundi nalaman ko na si Chris ang panlaban ng Seniors.
Baka kakatitig ko sa kanya, hindi ko mapindot ang buzzer.
Kung di lang ako tinakot ng adviser ko, di talaga ako sasali. Kailangan ko din kasi ang merit points na makukuha ko, para sa cumulative grades ko next year. Kailangan ko ng exta merits para masiguro ko na ako ang magiging class valedictorian.
Sa Battle of the Brains, kung iisipin, parang unfair sa mga lower years, pero hindi.
General information kasi halos ang mga tanong. Minsan nga may question pa sa current events, political at showbiz news eh. Kahit ang mga Math and Science subjects, madadali lang din. Kaya kahit freshman masasagot. Nagbibigay din sila ng pointers kung ano ang magiging scope ng Battle para makapagreview ang mga contestant.
Sa mismong Battle. Maliban sa pabilisan ng utak, pabilisan din ng kamay sa pagpindot ng buzzer.
Pumayag na din ako, saying ang merits eh.
At makakasama ko din si Chris. Last year na n’ya sa Academy. At ang balita ko, mag-aaral ito ng kolehiyo sa Maynila.
Chance ko na din na magka-moment with him.
Ano daw? Moment? Baka moment na mabilang n’ya ang sandamakmak mong pimples sa mukha?
Grr.. Naiinis ako. Ang negative ng isang side ng utak ko. Umaatake na naman ang pagka-insecure ko.
Hay!
Freshman pa lang ako, crush ko na s’ya.
Sino ang hindi hahanga kay Christian Christopher Monteclaro?
Matangkad.
Matalino.
Mayaman.
At pogi talaga s’ya.
Ito din ang president ng Student Council ng Academy since last year. At ngayong taon na ito, siya ulit ang nanalo. Tambak na tambak ang kalaban sa dami ng boto.
Marami naman kasi itong mga successful projects at magaganda ang comments ng mga teachers sa leadership n’ya. Pati mga kapwa estudyante magaganda din ang feedback. Pero I am very sure na mas lumamang ang boto nya, sa dami ng mga girls sa campus who have a crush on him.
At isa na ako dun!
Sa kabila ng pagiging campus heart throb niya at sa pagkadami-daming extra-curricular activities, hindi s’ya naaalis sa topnotchers ng star section.
Lalo ko siyang hinangaan dahil doon. He seems to be the ideal guy for me.
Wala na sana akong hahanapin pa sa qualities na. Almost perfect.

BINABASA MO ANG
MARRY YOU, NOT
Fiksi RemajaAndrea always dream of a sweet proposal, a diamond engagement ring and a perfect wedding. She is a fan of romantic-comedy movie and wishes to be those princesses in fairytales. She has a default groom in her number of dreams, and it was Chris. Howev...