Chapter 20 - Unfulfilled Promise

80 0 0
                                    

Andrea’s P.O.V.

 

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga habang nakatayo ako sa tabi ng glass window ng ika-50th floor ng Empire Construction Towers. Tanaw ko mula doon ang kabuuan ng lungsod at iba pang mga naglalakihang skyscraper.

“Ms. Stella, your meeting will start in ten minutes.” Narinig ko secretary ko na si Mimi at napukaw ako sa pagbabalik-tanaw.

“Yes. Thanks, Mimi. Go ahead, susunod na lang ako sa board room.” Malamig kong tugon.

Whew! It’s been sometime. Ten years to be exact.

Ten years na ang nakakalipas, ngunit hindi ko pa din nakalimutan ang lahat.

Ang mga pangakong napako at mga salitang wala namang gawa.

Yes, ten years ng katangahan at pag-asa sa wala.

Oh! Correction, four years of waiting and six years of living as a different me.

Naglakad ako patungo sa board room. Ngayon, pormal akong ipapakilala bilang bagong Assistant Vice President ng Architecture and Design Department ng Empire Construction. Hindi ko inakala na madali kong makakamit ang ganoong posisyon dahil sa aking angking talino, sipag at tiyaga.

Pagbukas ko ng pintuan, natagpuan ko doon ang mga kapwa ko executives at ang iba pang partners ng corporation.

Pormal akong binati ng lahat. Kasing pormal ng itsura ko. Natapos ang meet and greet at itinuloy namin ang meeting sa isang malaking project na kailangan kong bigyan ng atensiyon at panahon. Ni-request ng board na ako mismo ang personal na mag-assess ng pagpapagawa ng resort ng bago naming client. Pati ang mga iba’t-ibang mga projects na magkakasabay na gagawin sa loob ng isang taon.

Sa apat na taon kong pagtatrabaho sa Empire ay marami na akong napatunayan. Hindi ko siguro mararating ang ganitong posisyon kung hindi ko ito pinagsikapan. At siguro blessing na din ito ni Lord dahil sa hindi ko naman din pinabayaan ang pagtatrabaho ko.

Ang Empire ay isa sa mga in-demand ngayon among the construction industry, na nagtatayo ng mga commercial buildings, condo units at mga resorts.

Sa pamamagitan ng Empire, nagkaroon ng katuparan ang karamihan sa aking mga pangarap. Nagkaroon ako ng sarili kong two-bedroom condo unit at sarili kong kotse.

Naipagawa ko na din ang bahay namin sa San Felipe at naipagawa ko na din ang dating pinangarap kong shop para kay Mama. Ang Papa ko naman ay nanatili pa din sa pagiging music teacher sa St. Peter Academy habang inaantay nito ang pagreretiro.

Kumirot ang dibdib ko ng maalala ko ang academy. Malaki ang kaugnayan ng eskwelahang iyon sa buhay ko.

Ang aking bunsong kapatid naman na si Chella ay isa na ngayong flight stewardess. Awa ng Diyos ay natanggal na lahat ng taba nito sa katawan at ngayon ay fit na fit na. Masaya na ito sa career niya maging ang lovelife nito ay napaka-kulay.

MARRY YOU, NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon