Chapter 17 - King & Queen

80 0 0
                                    

Araw ng Prom.

Abalang-abala si Mama sa pag-aasikaso ng gown at ng sapatos na isusuot ko, may katerno pang bag. At talaga namang tumawag pa ito ng beautician para paayusan ako. Hay talaga naman!

Natutuwa ako sa gesture ni Mama. Kasi napaka-supportive lang talaga n’ya sa akin.

Umaga pa lang, sinabihan na ako ni Chris na susunduin niya ako ng alas sais ng hapon at sabay na kaming pupunta sa venue ng aming Prom.

Alas tres pa lang ng hapon paulit-ulit na si Mama na maligo na ako.

“Mama, mas excited pa yata kayo kaysa sa akin.” Nakabusangot kong sabi. Paano ba naman naka-tatlong sabi na ito.

“Ano ka ba naman, Anak? Excited ako sa iyo dahil ikaw ang pinakauna kong dalaga. sI-enjoy mo lang ang party na ito. Inihabilin na kita kay Chris. Saka syempre gusto ko na magandang-maganda ka ngayon.”

Hindi talaga halatang excited si Mama. Tss!

Wala na akong nagawa kundi sumunod na lamang. Lahat ng isusuot ko nakahanda na. Ang gana ng kulay pink na gown na nirentahan nito. Mahaba hanggang sakong. Medyo may petticoat ito kaya mukhang balloon yung style. May malilit na bulaklak ang neckline nito na bagamat plunging bahagyang mataas naman kaya hindi makikita ang bahagi ng dibdib.

Parang ‘yung suot ng mga prinsesa sa fairytale.

Natural, kasi fairy tale ang theme ng Prom.

Magaling si Mama mamili ng damit. Palibhasa ay talagang fashionista ito ng kabataan niya. Prom Queen noon si Mama dahil sa gandang taglay nito. Doon nga yata na-develop si Papa sa kanya eh.

Maya-maya pa ay nasa harap na ako ng beautician na kumare din ni Mama. Ang daming kulay ng eye shadow, at iba-ibang kulay din ng lipstick.

“Yolly, may dalaga ka na.” Anito kay Mama. “Mas gumanda ka na ngayon, Andrea. Dati nakikita kita eh lagi kang may bangs at marami kang pimples.” Nakangiti ito sa akin.

Talagang remarkable ang mga pimples ko! Grrr..

Pinigilan ko na lang na mapairap. Buti na lang at kumare ito ni Mama. Baka mamaya nasagot ko ito ng hindi maganda.

“Oo nga po eh.” Yun lang ang isinagot ko.

Sa wakas at natapos na din kami. Malapit na mag-alas sais. Darating na si Chris anytime. Nagmamadali akong nagbihis at isinuot ko na ang gown.

Napaawang ang bibig ko ng makita ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Omigosh! Ako nga ba ito?

 

Bagay din pala sa akin ang kulay pink na gown. Malaking bagay din na wala na akong mga tigidig sa mukha dahil, itinaas ng beautician ang buhok ko at may maliliit na hibla lang na nakalawit at naka-curl.

MARRY YOU, NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon