“Wala ba kayong project ngayong Christmas season?” Nasa SC office kami at abalang-abala ito sa pagbabasa ng reports ng bawat organization.
“Hm, meron. Mag-outreach program daw sa bahay ampunan.” Hindi man lang ito tumitingin sa akin, abala pa din sa pagbabasa.
“Wow. Sama ako. Kailan ang registration?”
No reaction.
“Hoy! Chris? Sama ako. Kailan ang registration? Bakit parang hindi ka interesado?”
“That is not my project. It’s Sandy’s?”
“Eh ano naman? You will not support her?”
“She has my approval. But I will not go there.” Isinara na nito ang laptop. “Di ba may class ka pa? Umalis ka na. Baka ma-late ka pa. Maglalaro kami mamaya sa gym. Exam na next week. Mag-aral ka ng maigi.” Iyon lang at iniwan na lang ako basta-basta.
Tinaboy na ako? Iniwan pa? The nerve!
Ang moody talaga niya. Hindi ko na tuloy alam kung anong klaseng personality ang ipapakita n’ya sa akin kapag magkasama kami. Minsan sweet. Minsan seryoso. Minsan naman ganito, suplado.
“Oh, hi Andrea!” Si Sandy. Bigla itong dumating ng SC office. “Where is Pres?”
“Umalis na. Ewan ko ba doon. Bigla na lang umalis. Nagtatanong lang naman ako kung kailan ang registration ng outreach program. At sinabi n’ya poject mo daw iyon. Eh, di ba? Dapat supported ka n’ya sa anumang project mo. Ang labo.”
Hindi agad nakapag-react si Sandy. “You know what? It doesn’t matter kung kaninong project. He already approved it. Ako ang magli-lead sa mga sasama. You said na you want to join di, ba? So register ka na.”
At iniabot n’ya sa akin ang registration form. Next weekend na pala iyon. Parang Christmas Party sa bahay-ampunan.
I always have a heart for those kids. Kawawa naman at iniwan sila ng mga magulang nila.
Kailangan ko na din pala tumingin ng mga damit na hindi ko na masyadong ginagamit at mga napagliitan ko na.
Hindi naman kasi kasya kay Chella ang mga damit ko. Mas malaki s’ya sa akin.
“Okay, sige. See you around Sandy. Una na ako sa’yo. May class pa ako eh.”
Iniwan ko na si Sandy at habang naglalakad ako papuntang classroom hindi ko maisip kung bakit bigla na lang sinumpong si Chris.
Nakakainis s’ya ha? Last weekend lang nasa bahay s’ya at me dala pang chocolate cake, tapos ngayon masungit na ito.
--
Lumipas ang maghapon na talaga namang napudpod ang utak ko sa mga lessons. Ang hirap naman kasi ng Algebra. Kahit magaling ako sa Math, naiinis ako kasi madaming formula na dapat kabisaduhin.
“Hoy, Bes.” Si Claire. Na-miss ko din itong matabang kaibigan ko. Ilang linggo din kaming hindi halos nagkaka-chikahan.
“Bakit?”
“Alam mo ikaw, hindi ka nagkukuwento sa akin na friends na talaga kayo ni Pres. Anong ginawa mo at nagayuma mo iyon. At balita ko pa ha? Maraming mga campus It-girls ang inggit na inggit sa beauty mo.”
BINABASA MO ANG
MARRY YOU, NOT
Ficção AdolescenteAndrea always dream of a sweet proposal, a diamond engagement ring and a perfect wedding. She is a fan of romantic-comedy movie and wishes to be those princesses in fairytales. She has a default groom in her number of dreams, and it was Chris. Howev...