Chapter 14 - Christmas Break

96 1 0
                                    

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na totoong nanliligaw na sa akin si Chris.

Hatid sundo ako nito sa bahay. Nasanay na din ako na sa bahay na s’ya nag-aalmusal. At sina Mama at Papa, sobrang supportive.

Iniisip ko tuloy, lahat ba ng magulang ay ganito?

Christmas break na at wala ng pasok, hindi kami nagkikita pero nagtetext ito sa akin everyday.

Prince Charming: Hi, Princess. How are you? I miss you already.

Ang OA ha? Three days pa lang kaming hindi nagkikita ah.

Prince Charming ang pangalan n’ya sa phone book ko.

My heart smiled. Sweet din talaga ito. Pero, ayokong bigyan ito ng impression na I am easy to get. Kaya kahit na gusto ko na s’ya sagutin, hindi ko muna ginagawa.

Aba! Maghirap muna s’yang konti no?

Ako: Haha. Miss agad? Three days pa lang ah. Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ko?

I am smiling to the bones when I received his reply.

Prince Charming: Never ako magsasawa. Kahit na maging tayo. I will remain as sweet ass I am.

Kapag ganito na ang topic, bigla kong iniiba ang usapan. Baka kasi bigla ko s’yang masagot eh.

Ako: Saan kayo mag-spend ng Christmas ng family mo?

 Prince Charming: Nah! Baka kila Lolo Pete. Doon muna ako.

 Ako: Okay.

Napansin ko na kapag family ang topic, hindi din ito masyadong nagpapakita ng interest. Nahihiya naman akong magtanong. Masyado itong personal at hahayaan ko na lang s’ya mag-open ng kusa.

Prince Charming: Princess, anong regalo mo sa akin?

Ako: Ha? Kailangan ba meron?

Prince Charming: :(

Ako: Haha! Sad face agad? Kapag nagkita tayo ibibigay ko sa iyo. 

Prince Charming: Wow! Talaga? Sige sabi mo iyan ha?

Ako: Oo. Ang kulit! Text kita later, may gagawin na ako.

Prince Charming: Okay. :)

-- 

Chris’ P.O.V.

Christmas na naman. As usual, malungkot. Dahil wala si Mom.

Hindi ako sumama sa outreach program dahil naaawa ako sa mga batang iniwan ng mga magulang nila. Feeling ko kasi isa ako sa kanila.

Ikatlong Pasko na hindi naming s’ya nakakasama. Nakaka-miss na talaga.

Mom, where are you? Don’t you have any present for me? Your presence is enough.

Tears started to fall. I missed her so much.

Noong bata pa kami ni Charice, gustong-gusto n’ya na pareho ang design ng suot naming damit. She always love it dressing us like her own dolls.

Pasko na naman. Pero wala pa din si Dad sa piling namin. Physically lang s’ya nandyan. I already got my present from him. A new guitar. Pero, alam kong pinabili n’ya lang iyon sa secretary n’ya at hindi ito ang nag-effort na mamili.

MARRY YOU, NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon