Chapter 19 - Dreams and Hopes

80 0 0
                                    

Nagsimula na ang bagong school year. Nanalo ako sa SC election bilang bagong President. Wala na daw iba pang nararapat na maupo kundi ako. Kaya naman landslide victory ang nangyari.

Tuwang-tuwa ang karamihan sa nangyari. Proud na proud naman sila Papa at Mama sa akin.

Well, mas pinaka-proud si Chella. Feel na feel talaga niya na umangat din ang level ng status niya sa school.

“Grabe Ate. Ang dami ko ng mga friends at admirers dahil sa fame mo.” Anito ng minsang nasa bahay kami at naglalaro ng video games.

Hindi ako mahilig mag-video games, pero dahil naalala ko si Chris dito ay nagka-interes ako.

“Tseh! Wag na wag mong magagamit ang pangalan ko sa kalokohan, ha? Pag nagkataon, magugulpi kita.” Pinanlakihan ko siya ng mata.

“Ganun? Pero hindi ko naman gagamitin sa masama, Ate. Pero medyo nagagamit ko iyon noong minsang kailangan ko ng upuan sa canteen at noong naiwan ko ang library card ko.” At humagikhik ito.

Binatukan ko nga. “Ano kamo? How could you bring my name to those. You are so irresponsible!” Gigil kong sabi dito.

“Ate naman, masakit kaya.” Kinamot nito ang ulo. “Di ko na uulitin.”

“Dapat lang no?”

Biglang nag-ring ang cellphone ko.

Chris calling…

Nabitawan ko ang joystick at agad kong sinagot ang cellphone. At tumakbo ako paakyat sa kwarto ko.

“Hello, Prince? Kamusta?”

Hello, Princess. Balita ko ang galing-galing mo daw na SC President ah.

“Hindi naman. Saka inspired lang. Ayoko masabi nila na hindi ako kasing-effective mo.”

 

Buti naman. Alam kong kayang-kaya mo iyan. Hay, alam mo Princess. I miss you na agad. Kapag uwian na naiisip ko din ang bonding time natin diyan sa inyo. Miss ko na din sila Chella at ang parents mo.

“Hm, basta mag-aral kang maigi diyan. Mabilis lang naman ang four years at makaka-graduate ka na agad.”

Ikaw ba hindi dito mag-aaral?

“Hindi ko pa alam eh. Sa ngayon, nabanggit ni Papa na mag-take daw ako ng scholarship para makapasok ako sa UP.”

Sa Ateneo nag-aral si Chris ganoon din si Cha. Hindi kakayanin nila Papa ang gastos sa Ateneo, kahit pa maging scholar ako doon.

At least, andito ka na. Magkikita tayo dito. Gusto mo sa condo ka na naming tumira eh. Parang mag-asawa na talaga tayo.

Namula ako sa biro nito.

“Chris naman.”

Biro lang. Ikaw talaga? O ibababa ko na ito at kailangan ko pang mag-review. Ang dami naming inaaral. Nakakapagod din pala mag-Business Administration.

“Okay, sige. I love you. Ingat ka diyan ha?”

I love you, too, Princess Andrea.

Sana makayanan ko ang araw-araw na pagka-miss ko sa kanya. Nakainam din ang pagka-elect sa akin. At least nagiging busy ako. Kasi kapag ganitong nag-iisa ako, hindi ko kinakaya ang pag-iisip sa pansamantalang pagkakalayo naming dalawa.

Guwapo at mayaman si Chris. Malamang maraming mga babae ang pwedeng makakuha ng atensyon nito. Lalo na at Maynila iyon. Karamihan sa mga babae ay liberated na mag-isip.

Paano kung iwanan niya ako at ipagpalit sa iba? Hindi ko yata kakayanin.

Kaya as much as possible, everyday ay kinakamusta ko ito sa text. Hindi ko naman kinukulit dahil alam ko na dapat pagbutihan niya ang pag-aaral niya doon.

Mas close na ito at ang Dad nito ngayon.

Ang pagdalaw ko sa opisina ni Lolo Pete ay naging mainam para mailapit ko ang sarili ko sa pamilya nila. Kabilin-bilinan iyon ni Chris, at sa bandang huli ay nakita ko na maraming naitutulong sa akin ang mga payo ng matanda.

Apat na taon lang naman, Andrea. Pwede na tayong magkasama ng mas matagal. Sa graduation mo, promise magpopropose na ako sa iyo.

 

Iyon ang pangakong binitawan ni Chris sa akin kung kaya naging inspired ako na mag-aral din at mangarap para sa pamilya.

Gumanda na din ang shop ni Mama, nakapag-loan si Papa ng pera at ginamit na capital ni Mama para sa flowershop at catering service nito.

Kapag walang pasok, tumutulong kaming magkapatid sa kanya at unti-unti nakikita ko ang paglago ng maliit na negosyo ng mga magulang ko.

Gusto kong maging isang Arkitekto. Ang pag-guhit ang isa sa mga talento ko, at gusto ko din ma-experience na makapag-design ng matataas na gusali. Hindi ko alam kung bakit ito ang gusto kong kurso at hindi katulad ng mga hilig ng mga magulang ko.

Pangarap ko na mabigyan ng mas malaking shop si Mama na ako mismo ang nag-design. Ang catering nito ngayon ay small-scale pa lang. Pero sa sarap magluto ni Mama, alam kong dadami ang customers nito. Hindi malayong makakapag-patayo kami ng restaurant kapag pareho na kaming nakapagtapos ni Chella.

Apat na taon lang, Andrea. Matutupad na din ang pangarap mong dream wedding. At siyempre ang groom walang iba kundi si Christian Christopher Monteclaro.

MARRY YOU, NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon