Buti na lang at weekend na, magdamag akong umiyak. Kagabi, nagdahilan na lang ako na masama ang pakiramdam ko kaya hindi na ako nakasama sa bonding time ng pamilya namin.
Precious pa naman sa akin ang mga ganoong pagkakataon, pero mas pinili ko na magkulong na lang ng kwarto baka maiyak lang ako sa harap nila.
Grabe! Na-turn-off talaga ako sa kanya. Hindi ko akalain na ganoon pala silang dalawa ni Pearl, and I feel cheated.
Yes, I feel I am. Dahil nag-expect ako na I am special for him.
Kaya ito, para akong sinampal sa nakita ko kahapon.
With the thought, nagsimula na namang tumulo ang luha ko.
I thought he is a gentleman dahil wala akong natatandaang naging touchy s’ya sa akin. Now, I know, I am not his type. Dahil hindi ako katulad ni Pearl na handang ibigay kahit ano sa kanya.
Back to my old self now. Tama na ang pagiging prinsesa at pagiging-Rapunzel.
Wala na ang Prince Charming ko. Masaya na s’ya sa malanding wicked witch na kasama n’ya ngayon.
Mugtong-mugto na ang mga mata ko. Literally, masama na talaga ang pakiramdam ko. Naramdaman kong mainit ang mga mata at katawan ko. Nilalagnat yata ako.
Check-up ko pa naman ngayon. Pero, next week na lang. Hindi ko kayang umalis. Saka hindi na din ako magpapasama sa kanya. Babayaran ko din s’ya kapag nakaluwag-luwag kami.
Idinahilan ko lang kila Mama na project ni Chris iyon at ako ang ginawa n’yang sample na kailangang mag-improve ang skin ko in two months.
“Ate?” Si Chella. Kinatok na ako nito dahil tanghali na at hindi pa ako bumababa.
Pinahid ko ang luha sa mga mata ko at nagtalukbong ako ng kumot. “Pasok, bunso.”
“Ate, tanghali na ah. Hindi ka na nag-almusal kanina. Nagugutom ka ba ‘te?” Halata sa boses nito ang concern sa akin. “Baba ka na, ‘te. Masarap ang ulam na niluto ni Mama. Kagabi pa sila nag-aalala sa’yo. May sakit ka ba?”
Naramdaman ko ang palad nito sa noo ko.
“May lagnat ka ah. Sinasabi ko na nga ba eh. Kaya pala ang tamlay mo ngayon. Hindi ako sanay na nauuna akong gumising kaysa sa iyo eh.”
“Ang ingay mo naman. Masakit ang ulo ko eh. Pero thanks sa concern. Sige mamaya, bababa na din ako. Susunod ako sa’yo.”
“Okay sige. Sabihin ko kay Mama. Kumain ka at uminom ng gamot.” Lumabas na ito.
Mag-tatanghalian na pero wala din text galing kay Chris kung pupunta ito sa amin.
Hay, asa ka pa?
Nag-ayos na ako ng sarili ko. May lagnat nga ako. Pero mas lalagnatin lang ako kapag nasa kama lang ako at mag-iiyak. Malapit na din ang exam kaya, kailangan kong magpagaling.
BINABASA MO ANG
MARRY YOU, NOT
Genç KurguAndrea always dream of a sweet proposal, a diamond engagement ring and a perfect wedding. She is a fan of romantic-comedy movie and wishes to be those princesses in fairytales. She has a default groom in her number of dreams, and it was Chris. Howev...