Wala na akong nagawa when Chris decided na ipaalam na sa iba ang aming relasyon.
Nakilala ko na din si Mr. Pete Monteclaro hindi bilang may-ari ng St. Peter Academy, kundi bilang Lolo nito.
Naging lalong close kami ni Sandy, at ngayon nga ay winowork-out na nila ang pagtakbo ko next year bilang next SC President.
Hindi ko na din nailihim pa kay Claire na boyfriend ko na si Chris. At katulad ng inaasahan ko, ayun, naipaalam na n’ya sa buong classroom.
Wala na akong maisip na alibi dahil kahit sa classroom ay inihahatid pa kasi ako ng boyfriend ko.
Naalala ko ang epic moment ng pinaalam k okay Claire na mag-on na kami ni Chris.
“Hoy, Andrea. Bakit lagi kang hinahatid dito ni Pres? Oo. Alam kong ikaw ang napipisil ng SC na kumandidato next year sa Presidency. Pero kanina, iba ang tinginan ninyo ni Pres.”
Patay! Buking na buking na ako.
Matinik nga pala ang pang-amoy nito at very observant ang best friend ko.
“Okay, sige. Aaminin ko na.” In-hale, ex-hale. “Boyfriend ko na si Chris.” Bulong ko sa kanya.
Bulong lang ang ginawa ko pero grabe ang reaksyon nito.
“Ayyyy!!!!” Ang lakas ng tili nito. At nagtinginan ang mga kaklase ko. Buti na lang at wala pa kaming teacher.
“Hoy! Claire! Hoy! Ano ba?” Ang haba-haba ng tili nito at ang lakas-lakas pa.
“Oh my God! Talaga? Totoo?”
Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Bigla itong tumayo. “Listen classmates. Junior Class A. May I inform you that our class president Stella Andrea Tijares is now the official girlfriend of our Student Council President Christian Christopher Monteclaro.” The whole class gasp. “Ayyy!!” Sabay-sabay na nagtilian ang mga babae kong classmates at nagsilapitan sa akin.
“Wow! Kaiingi ka naman Andrea.”
“Congrats, Andrea. Ang swerte mo.”
“Sana ako na lang ang lumaban sa Battle. Feeling ko doon s’ya nadevelop sa iyo eh.”
At iyon na. Ang daldal lang talaga ni Claire di ba?
Maging ang SC officers may alam na din.
At ang hindi pahuhuli sa balita. Si Pearl.
Tanghali at nasa usual tambayan kami ni Claire. Inaantay ko lang din si Chris, sabay na kami magla-lunch.
“Hey, Nerd! Lagyan mo ng helmet ang boyfriend mo ha? Baka kasi mauntog eh. Hindi ko maisip na bumaba na pala ang taste n’ya sa babae. Tss.”
Hindi ako umimik. Usapan namin ni Chris iyon. I will not stoop down on the level of those kind of people. Lalo na at bini-build up n’ya ang image ko.
Hindi nakatiis si Claire. “Hoy ikaw. Hindi porket leader ka ng It-girls eh ikaw ang pinakamaganda. Sa totoo lang, ikaw ang pinakapangit sa kanilang lahat. Dahil sa napakapangit ng ugali mo.” Kahit kailan talaga, ito ang tagapagtanggol ko.
“Hoy, ikaw Taba. Shut your mouth. Dahil kapag hindi ako nakatiis. Lalagyan kita ng apple sa bibig.” Baling nit okay Claire. Bago ito muling bumaling sa akin. “And you, Nerd. Ingatan mo ang boyfriend mo baka maagaw ko s’ya sa iyo.”
At nag-alisan na ang mga maaarteng babae.
“Grabe, Bes. Hindi ka man lang nag-react. Eh ako, halos masabunutan ko na ang malanding iyon eh. Ikaw cool na cool lang?” Naiiling na lang ito.
“Hayaan na lang natin sila. Insecure lang iyon. Saka let’s not stoop on their level. Huwag mo ng uulitin iyon, Pearl. Hindi din maganda na nagbabato tayo ng masakit na salita sa kapwa.”
“Ikaw na talaga. Nilait-lait na nga tayo? Nakuha mo pang magganyan-ganyan?”
Hindi na ako nagsalita. Kung hindi ko lang naiisip si Chris, baka nasapok ko na nga ang witch na iyon kanina eh. Pero, ayokong masira ang image niya.
Ang pangit namang news sa school na, “GF ng SC President, Nakipagbuntalan”
Ayoko naman ng ganun! Kaya titiisin ko na lang ang mga sasabihin ng witch na iyon.
Maya-maya pa ay dumating na ito.
“Hi Princess, okay lang ba kayo? Galing daw dito si Pearl?”
Bago pa ako nakasagot eh sumabat na si Claire.
“Ay, oo! At ang tinaray-tarayan kami ni Andrea. Nakakainis ha? Tinawag n’ya akong Taba at tinawag si Andrea na Nerd.”
Napatiim-bagang ito.
Hinawakan ko s’ya sa kamay.
“O, tama na iyan. Mapapagod din naman iyon. Remember? We will not stoop on their level?” I smiled at him as if walang nangyari.
He smiled back. “Yup. Tara kain na nga tayo.”
“Hay! Salamat naman. Nagrereklamo na ang mga alaga ko eh.” Kwelang hinawakan pa ni Claire ang tiyan niya.
Masaya kaming nag-lunch at nagkwentuhan. As usual, nagpapatutor na naman si Claire sa boyfriend ko. Talagang tinotoo n’ya na magpapaturo s’ya dito. Minsan nga nahihiya na ako pero dahil mabait talaga si Chris, pinagbibigyan n’ya ang best friend ko.
“Malapit na ang prom ha? Mag-practice na tayo ng song number natin.”
Talagang seryoso ito? Akala ko joke lang n’ya iyon.
“May stage fright ako, Chris. Ayoko nga!”
“Ano? Ang tagal ko pinag-aralan gitarahin ang kakantahin natin tapos hindi ka papayag? No way! Kakanta tayo.”
Ayan! Eto na naman kami, s’ya na naman ang masusunod sa pagtatalo na ito.
“Sige na nga.” Wala akong nagawa kundi sumimangot.
BINABASA MO ANG
MARRY YOU, NOT
Ficção AdolescenteAndrea always dream of a sweet proposal, a diamond engagement ring and a perfect wedding. She is a fan of romantic-comedy movie and wishes to be those princesses in fairytales. She has a default groom in her number of dreams, and it was Chris. Howev...