Chapter 8 - Alone

94 1 0
                                    

Chris’ P.O.V.

Kakauwi ko lang galing kila Andrea. Ginabi na din kami. Dahil naparami kami ng kanta at kwento.

Ang saya ko! 

Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganito kasayang feeling. Sobrang nag-enjoy ako kasama ng pamilya n’ya.

Simple lang ang pamumuhay ng mga ito. Katam-taman lang ang laki ng bahay nila. Hindi masyadong mamahalin ang mga gamit, pero ang saya-saya nila bilang pamilya.

There’s a part of me na nainggit sa kanya.

Nanalo lang ito sa simpleng Battle of the Brains, ipinaghanda na agad s’ya ng mga magulang? At Mama pa mismo nito ang nagluto. Ang Papa naman nito, nagset-up pa ng Videoke.

Samantalang ako, despite my achievements. Wala lang.

Andito ako ngayon sa maluwang na sala ng aming bahay. Pero ako lang mag-isa. Nasa maid’s quarter na ang mga kasambahay namin. Tulog na siguro ang mga ito.

Si Dad, malamang nasa opisina pa.

I get my phone. I texted Charice.

Ako: Hi Cha! I lost in the Battle. L But, it’s okay. I just got a new friend. J

Charice: I’m sorry, Bro. Pero, okay lang naman yun. Nakwento na sa akin kanina ni Lolo. Sabi nga n’ya nagtatampo ka daw? Hehe..

Ako: Yup kanina. Pero, okay na ako ngayon.

Charice: Good to know. So, who is this new friend?

Ako: Si Andrea. The girl who just beat me in the Battle.

Charice: Oh! Really. Hahaha. Buti hindi umandar ang pagiging ma-pride mo, Bro.

Ako: Buti nga at hindi. Advise din ni Sandy, yung VP ko.

Charice: I’m happy to know that you have a new friend. I have to sleep na. Goodnight!

Ako: Goodnight!

Umupo ako sa sofa. Dito ako madalas maglaro dati kasama ko si Charice at si Mom. Dito din kami nakakatulog ni Mom kapag inaantay naming umuwi si Dad.

Pero ngayon, ang tahimik na ng sala namin. Halos hindi na din nauupuan ang mga sofa. Madalang din naman akong mag-invite ng bisita. Ang last na bisita ko ay si Pearl, noong nag-break kami.

Mom, where are you? I missed you so much.

Biglang tumulo ang luha ko. Naalala ko ang aking ina. Wala akong balita sa kanya.

Lalo akong naiyak ng maalala ko si Dad. Kahit naman andito iyon. Hindi naman ako nasasabayang kumain.

Naalala ko ang masayang pamilya ni Andrea. Ang saya-saya ng mga ito. Super close sila at talagang Videoke pa ang favorite bonding nila.

Nagulat ako na anak pala siya ni Sir Ricky. Ang music teacher ko.

Magaling kumanta ang Mama nito. Ang kapatid nitong si Chella. Sa Academy din pala ito nag-aaral.

At nagulat din ako ng marinig ko ang magandang boses ni Andrea. I never thought she possessed such talent.

Dati kasi, yung pimples lang nito ang napapansin ko. Kaya hindi ko naman ito kinakausap. Akala ko din boring s’yang kasama dahil nga matalino ito. Parang libro lang ang kinakausap. At akala ko din mayabang ito, dahil pinagbantaan n’ya ako kanina.

Pero hindi naman pala.

Very humble ito. Ilang beses pa nga itong nag-blush sa mga papuring sinasabi ko sa kanya. Hindi ko din nga alam na faculty pala ang Papa nito.

Matalino ito pero hindi mayabang.

Talented ito. Pero hiyang-hiya pa ito pagkatapos kumanta.

Malakas ang sense of humor nito at napaka-friendly.

Minus the pimples. She is very likable.

Ano? Likable?

I like her?

Napailing ako. Friends lang kami noon. Ayokong haluan ng kung anuman ang bagong pagkakaibigan na meron kami.

I just enjoyed her company. Nothing more.

Talaga? Ang kulit naman ng isang bahagi ng utak ko.

Nakalimutan kong kunin ang cellphone number nito. Sa Lunes na lang.

Umakyat na ako sa aking kwarto. Nakalimutan ko na din na wala ang mga magulang ko. Wala man lang ako mapagsabihan ng frustration ko.

I am so alone.

Habang naglalakad ako paakyat ng hagdan. Napapahimig ako ng I’ll Never Go.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang may pumupuno sa kalungkutan na nararamdaman ko. Napalitan ito ng excitement. Masaya ako ngayon. Hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam. Matagal-tagal na din na hindi ako nakakaramdam ng ganito.

And that is all because of Andrea.

May magandang nangyari din sa pagkatalo ko. I just met a special girl.

Special girl?

Yes, she is.

Kahit ano naman ang tanggi ko. Oo na. I liked her. Naalala ko tuloy ang kinanta nito.

Ang love nga naman ang daming mysterious ways.

Nangingiti pa din ako hanggang sa aking paghiga.

Siguro mas maganda s’ya kapag nawala ang mga pimples n’ya.

I get my phone. I texted Sandy.

Ako: Hi, Vice. Thanks for your advice kanina. Tama ka, I should have not reacted that way. I am so sorry for being immature. I congratulated, Andrea already.

Sandy: Wow! That’s good, Pres. Good job!

Ako: Btw, ano ba ang mabisang gamot para sa pimples?

Sandy: Why?

Ako: Hmm, Andrea and I became friends today. You know, I just want to help.

Sandy: Is that so? Ahm, I think I could refer you to my Mom. Dermatologist s’ya eh.

Ako: Wow! Thanks Vice. See you on Monday.

Sandy: Seeyah!

Masyado naman akong naging concern sa mga pimples ni Andrea.

Pero, why not di ba? Para naman mas maging confident ito.

MARRY YOU, NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon