Chapter 34 - It's Still You

69 0 0
                                    

Andrea’s P.O.V.

Kanina pa ako nakahiga pero hindi ako dinadalaw ng antok. Andito na kami ngayon sa bahay. Sa guest room natulog si Mimi at si Edward naman ay nagpaiwan na sa mansiyon ng mga Monteclaro. Sobrang feeling close!

Ang guwapong mukha ni Chris ang nakikita ko tuwing pumipikit ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito.

Damn, Stella Andrea Tijares! Hindi ka kailanman papatol sa lalaking may asawa na!

Bumangon ako at kinuha ko ang isang maliit na picture frame na pinagka-tago-tago ko sa loob ng safety box na nasa loob ng kuwarto ko.

Isang lumang picture frame na may lumang picture namin ni Chris. Kuha ito noong New Year’s Eve na sinagot ko siya.

Ang saya namin pareho sa picture na ito. Sobrang in-love na in-love pa kami sa isa’t-isa.

Tumulo ang luha ko.

Kahit anong pigil ko sa damdamin ko. Hindi ko maikakaila sa sarili ko na hanggang ngayon ay mahal ko pa din siya.

Oo! Mahal na mahal ko pa din si Christian Christopher Monteclaro.

Mula noon, hanggang ngayon. Hindi nagbago. Siya pa rin ang tinitibok ng puso ko.

Hindi nakalimutan ng puso ko ang pag-ibig na iyon kahit maraming taon na ang lumipas.

Six damned years!

Hindi nabura ng mahabang panahon and alaala ng mga kalokohan namin sa Academy.

Ang masasayang alaala ng pagiging campus royal couple namin.

Ang mga oras na nasa bahay namin siya at nakikipagkulitan sa parents ko at sa kapatid ko.

Ang simpleng pagtambay namin sa swing nila habang nakakandong ako sa kanya at bumubuo ng mga pangarap.

Ang malalambing na tawag nito noong nagkahiwalay kami para mag-aral siya sa Maynila.

Ang pagtulog niya sa boarding house namin kapag kailangan ko ng tulong sa mga school projects ko noong college.

Ang pag-aalaga niya kapag nagkaka-migraine at lagnat ako.

Ang lahat ng pagtitiyaga niyang sunduin at ihatid ako sa school.

Ang lahat ng iyon nasa puso ko pa din.

Pinilit kong limutin at palitan ng galit at sama ng loob. Pero, hindi ko kayang dayain ang  sarili ko.

All those years, I pretended that all those memories were gone. That everything that had happen were a nightmare.

I am wrong! I am very wrong.

Because until now, I am here, miserable. Unhappy. Longing.

Umaasa pa din ako. Umaasa pa din ako na babalik nga siya.

Eto nga at bumalik siya pero may asawa na ito.

May anak na din ito.

Marami na ang nagbago.

Ang pagmamahal na dati ay para lamang sa akin. Ngayon ay sa ibang babae na niya pinaparamdam iyon.

Ang paglalambing na dati ay ginagawa niya sa akin, ngayon ay para na sa asawa niya.

Hindi ko matanggap na may iba ng nagmamay-ari ng puso niya.

May iba ng humahalik sa mga labi niya.

Ang sakit sakit naman nito!

Ang tanga-tanga ko naman talaga!

Bakit ba kasi hindi kita makalimutan Chris?

Bakit?

Ilang beses akong sumumpa na kakalimutan na kita. Pero ilang beses ko din sinira ang mga sinumpaan kong salita.

Kailan ba ako titigil?

Kailan ba ako titigil na mahalin siya?

Kung pwede lang hilingin sa Diyos na akin ka na lang ulit, gagawin ko eh. Pero, napaka-imposible.

Chris Monteclaro. Ang lupit naman ng kamandag mo. Para kang lason na pumapatay sa buong pagkatao ko. Lason na unti-unting pumapatay sa puso ko.

--

Sabi nga nila. First love never dies. Kaya ganyan si Andrea. Saka hindi niya kasi sinubukan na magmahal ulit ng iba. Kaya sobrang masakit para sa kanya. 

Sawi mode. T_T

Votes for Andrea please..

angelicrunner<3

MARRY YOU, NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon