Chapter 10 - So Concerned

95 1 0
                                    

Mabilis na lumipas ang linggong iyon. Hindi na muna ako pumunta sa tambayan namin. Lagi lang ako nagpapaiwan sa classroom. Doon na din ako nagla-lunch.

Hindi ko maikwento kay Claire kasi naman ayoko pa malaman nito. Mamaya masabi ko pa na may crush ako kay Chris. Gulo yun!

Pinilit kong kalimutan ang nangyari noong Monday. At ngayon nga, ay Friday na.

Hindi ko na din naman ginusto na makasalamuha pa s’ya ulit. Okay na iyon. Kahit papaano may mga naipon na akong moment kasama s’ya.

Pero sa kabilang bahagi ng puso ko. Nalulungkot din ako, dahil ineexpect ko din na manghihingi ulit s’ya ng sorry sa akin.

Malungkot akong naglakad palabas ng campus. Kaunti na lang ang mga estudyanteng naiwan. Nang may biglang humintong pulang sports car sa harap ko.

Bumaba ang tinted window nito. Alam ko naman kung kanino ang kotse na ‘iyon. 17 years old pa lang ito pero allowed na itong magmaneho kasi non-professional naman ang license nito.

“Hey, Andrea. Hop in. Ihahatid na kita.”

Hindi ko s’ya tiningnan. Humakbang ako palayo. Pero sumunod ito.

Inihinto nito ang sasakyan at bumaba.

“Sorry na. Patawarin mo na ako, please.” He begged. Pero hindi ko pa din s’ya tinitingnan. Hindi din ako nagsalita.

“Andrea, please. Let me make it up with you. Ano ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako?” Nagsusumamo ang boses nito. Hinawakan n’ya ako sa braso.

“Just leave me alone, Chris.” Pasigaw kong sagot.

“What? I thought we are already friends? So bakit ganyan ka ngayon? Noong nakipagkaibigan ako sa’yo, alam ko na natuwa ka. Ay, mali. Tuwang-tuwa ka. Tama di ba? Eh bakit ngayon ang arte-arte mo?” Hindi na din siguro ito nakapag-pigil ng inis.

“Maarte nga ako. At pangit pa. Nakakahiya akong maging kaibigan. O, tanggalin mo ang kamay mo, baka mahawaan kita ng pimples ko. Sige ka, papangit ka din.” I grinned evily. Nagbabanta na naman ang mga luha ko.

Bakit ba kasi para itong mushroom na bigla na lamang sumungaw sa harap ko.

“Andrea, sorry na. Please. Okay, ganito na lang. Di ba sabi mo, walang budget ang parents mo? Ako na ang bahala. Ako ang magdadala sa’yo sa dermatologist. May allowance naman ako galing kay Dad. Please, patawarin mo na kasi ako.”

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Willing si Chris na ipagamot ako? Ganoon ba ito ka-concerned sa akin?

“Why are you so concerned, Chris?” Diretsong tanong ko.

Umiwas ito ng tingin. “Because, I am your friend.”

“Willing kang gumastos sa kaibigan mo? Magastos ‘yun. Alam kong hindi simpleng facial cream lang ang katapat nito.”

“Basta. Gusto kong ipagamot ka.”

“Ang sarap mo palang kaibigan. Ang galante mo pala? Bakit ngayon lang ba kita naging kaibigan? Sana noon pa pala. Tss!” Nananaig ang pride ko sa mga pagkakataong iyon. Parang feeling ko, hopeless case na ako at kailangan ko na ng abuloy mula dito.

“Gusto kong gawin ito, dahil gusto kitang tulungan para mas maging confident ka sa sarili mo. As I have said maganda ka. Hindi nakikita ng iba. Hindi mo din nakikita dahil d’yan sa letseng mga pimples mo. Hindi ninyo nakikita, pero ako. Nakikita ko. Kaya please, tanggapin mo na ang offer ko.” Nagsusumamo na ang boses nito.

Naawa na din ako sa kanya. Bakit ko nga ba tatanggihan? Maganda naman ang offer nito eh. Saka ito naman ang nagsabi. Hindi ko naman hiniling.

“Pag-iisipan ko habang nasa byahe tayo.” At naglakad na ako papunta sa sasakyan niya.

Mabilis itong sumunod at pinagbuksan pa ako ng pinto.

Wow! Ang haba na naman ng hair ni Rapunzel.

“Thank you, Andrea. Bukas na bukas din, pupunta tayo sa clinic ng Mommy ni Sandy.” Natutuwa nitong sabi habang nagmamaneho.

“Pumayag na ba ako?” Masungit kong sagot.

Tumahimik ito. Wala kaming imikan habang nasa byahe.

Naglagay ako ng earphones. Ipinakita ko sa kanya na ayaw ko s’yang kausapin.

Pagkahinto ng sasakyan n’ya sa tapat ng bahay namin, saka ko tinanggal ang earphones ko.

“Anong oras mo ako susunduin bukas?”

Nagliwanag ang mukha nito. At ngumiti ng pagkalaki-laki.

“How about 9AM?”

“Okay sige. 9AM. Thank you sa paghatid at mag-ingat ka sa pag-drive.” Akma ko ng bubuksan ang pintuan ng pigilan n’ya ang kamay ko.

“Andrea, can I get your number? Itetext kita bukas baka makalimutan mo.”

Binigay ko naman ang number ko. “Magpakilala ka ha? Hindi ako sumasagot sa mga nagtetext na hindi nagpapakilala.”

“Thanks, Andrea. Goodnight.”

Tiningnan ko lang s’ya. At bumaba na ako.

Bakit parang bigla itong sumigla?

Bahala na nga s’ya.

Trip n’ya to, di ba?

Pagbigyan!

MARRY YOU, NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon