After one month ng consistent check-up and medication, napansin ko na ang malaking pagbabago sa itsura ko.
Wala ng tumutubong bagong tigidig, at natutuyo na ang mga existing na mga nakatumpok sa noo ko.
Salamat sa Prince Charming ko.
Prince Charming na nga pala ang tawag ko sa kanya. Haha!
Feeling ko kasi, isa akong prinsesa. He always reminds me kung time na para magpahid ng cream sa mukha. Sinusundo at sinasamahan niya ako sa clinic everytime na check-up ko. At nagre-remind din s’ya ng mga bawal kainin.
Ang haba talaga ng hair ko, di ba?
Kaso lang, simula ng gumanda na yung mukha ko. Nagsimula namang maging magulo ang dating tahimik kong mundo.
Paano?
Marami na ang nagpapadala ng love letters sa akin.
Kabi-kabila ang nagsasabi na baka pwede daw silang manligaw.
At mas dumami ang mga gustong maging kaibigan ako.
Hay! Parang campus figure na nga talaga ako.
Pero hindi lang iyon. Nagsimula na din akong magkaroon ng mga haters at bashers.
Hay! Parang showbiz lang.
Pero ang higit na nakapagpagulo ng mundo ko ay ang paglalim ng friendship namin ni Chris.
Halos every weekend nasa bahay na s’ya. After ng check-up ko, hindi ito umuuwi agad. Nakikipag-bonding muna kay Papa at nagpapaturo mag-gitara. Si Mama naman panay naman ang luto ng mga paboritong pagkain ni Chris.
Hindi ko nga maintindihan kung maiinis ako o matutuwa sa pagiging supportive nila sa akin eh?
Katulad ngayon, andito na naman s’ya sa bahay.
“Hi Tita Yolly, pwede po ba ulit makikain?”
“Oo naman, hijo. Hindi ka na iba dito sa bahay. Magluluto ako ng paborito mong kare-kare.” Si Mama naman sobrang asikaso si Prince Charming.
Pero in fairness sa kanya, nagbibitbit naman ito ng kung anu-ano. Katulad ngayon may dala itong chocolate cake, na paborito namin ni Chella.
Gusto ko na nga isipin minsan na parang nanliligaw na ito sa ginagawa nito eh. Pero ayokong mag-jump into conclusion na may gusto s’ya sa akin.
Hay naku! Dati-rati sa panaginip ko lang s’ya nakikita ng harapan, nahahawakan at nakakausap. Pero ngayong totoo na, bakit parang kinakabahan naman ako.
“Hoy! Ang lakas mo kay Mama ah. Kami hindi kailangang alamin ang paborito. Kakain kami kahit anong iluto n’ya.” Ingos ko sa kanya. Ang daya lang kasi ni Mama dib a?
“Selos ka naman. Ayaw mo ba iyon. Close na kami ng family mo? Hindi na ako mahihirapan pakisamahan sila kapag naging girlfriend na kita.” At kumindat pa ito.
Ha? Ano daw? Pwede i-rewind?
“Ano kamo?” React ko naman. Napalakas pa ang boses ko.
“Wala.” At tatawa-tawa pa ito na tumayo. “Asan na ba si Chella? Kakain kami ng chocolate cake.”
Naiwan ako na nakatulala? Para daw di na s’ya mahirapan kapag naging –girlfriend n’ya ako?
Ayyyy!!!! Hindi nga?
Nag-tumbling ang puso ko. Whaaahhh!!
Pero, wait. Wait! Malakas iyon mang-asar. Ayokong maniwala. Saka hindi naman niya inulit eh.
--
sorry for the late update. i am so busy this past few days.. later na yung ibang chapters

BINABASA MO ANG
MARRY YOU, NOT
Teen FictionAndrea always dream of a sweet proposal, a diamond engagement ring and a perfect wedding. She is a fan of romantic-comedy movie and wishes to be those princesses in fairytales. She has a default groom in her number of dreams, and it was Chris. Howev...