Andrea’s P.O.V.
“Edward, ikaw na ang mag-explain ng plano kay Mr. Monteclaro.” Nahihilo ako sa init. Kahit mahangin sa tabing-dagat pero mahina talaga ako kapag mainit ang panahon.
“Chris.” Pagtatama niya sa akin.
I gave her a ‘whatever-look’.
Nandito na kami sa location ng resort nito. Bukas ay sisimulan na din ang paggawa nito. Sumama naman si Mimi sa mga ito, at naiwan na lang ako sa kubo na nakalagay doon na sadyang inilagay, katabi ng magiging barracks ng mga mangagawa.
Inilibot ko ang paningin ko sa lugar. For sure hindi masasayang ang investment nito at sadyang maganda din ang architectural design na ginawa ng team para dito.
Pinagmamasdan ko lang sila mula dito sa kinauupuan ko.
I’ll make it sure na naka-sunglasses ako para di makita ng mokong na iyon na nakatingin ako ngayon sa kanya.
Sorry, pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko ang hangaan ang kasimplehan ng itsura nito pero grabe sobrang ang lakas ng dating.
He is wearing a simple white v-neck shirt at hapit iyon sa katawan niya. Kaya ang muscles nito sa dibdib at braso ay na-define nito masyado. Hindi ko man makita ang bahagi ng tiyan nito, for sure totoo nga na may abs ito.
He is gorgeously handsome sa paningin ko. Ang matangos nitong ilong, ang pangahan nitong mukha at ang magandang hugis ng labi nito. Every angle, he looks so perfect.
Humigit ako ng isang buntong-hininga. Biglang nalaglag ang balikat ko ng maalala ko na naman na may asawa na ito. Hindi na nga siya pwedeng maging groom ko sa dream wedding ko.
Bakit bumalik ka pa Chris? Kung ipapaalala mo lang sa akin ang masakit na nakaraan at ang mapait na katotohanang hindi ka kailanman magiging akin.
A tear fell on my cheek. Oh my gosh! I am damned crying!
I wiped it away ng makita kong pabalik na si Mimi sa pwesto ko. Naiwan ang dalawang lalaki na naglakad pa malapit sa tabing-dagat.
“Ang ganda po dito Ms. Stella. For sure isang future tourist attraction ang magiging resort na itatayo ng Empire dito.” Komento ni Mimi.
“Yeah!” Walang-gana kong sagot.
“Is there something wrong, Ms. Stella?” She seemed to be worried of me.
“Nothing. Mainit lang ang panahon.”
“Oo nga po eh. Ang sabi po ni Sir Chris, doon po tayo sa San Felipe tutuloy. Sa bahay daw po nila tayo magla-lunch.”
Napatingin ako sa kanya. Bakit kailangang pumunta ako sa bahay nila?
BINABASA MO ANG
MARRY YOU, NOT
Novela JuvenilAndrea always dream of a sweet proposal, a diamond engagement ring and a perfect wedding. She is a fan of romantic-comedy movie and wishes to be those princesses in fairytales. She has a default groom in her number of dreams, and it was Chris. Howev...