Chapter 31 - Office Romance

71 0 0
                                        

Andrea’s P.O.V.

Mabilis akong lumabas sa kotse niya at nagmamadali akong naglakad papunta ng opisina ko.

Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko magawang hindi kiligin sa mga sinasabi niya sa akin. Pati ang pangungulit niya na iyon. Hindi pa din kasi siya nagbabago sa way ng paglalambing niya.

Hindi direct. Hindi outwardly expressive. Pero sa bawat salita at kilos nito may sweetness.

Ay naku! You got me there already Chris Monteclaro. Ang OA na kapag nadala na naman ako ng charm mo.

I feel guilty for his wife. Alam kaya niyang nakikipaglandian sa akin ang asawa niyang nandito sa Pilipinas?

Nakakainis lang isipin na habang kinikilig ako ay may isang taong walang kaalam-alam sa mga nangyayari.

I am not a family wrecker! I could never be!

Kaya ngayon pa lang kailangan kong rendahan ang sarili ko.

I have to remind myself that everything between us will just be purely business and nothing more.

Kailangan kong ilagay sa utak ko na past is past. Hindi ko dapat kalimutan na siya ay isang sinungaling, manloloko at paasa.

Dahil sa hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, hindi ko napansin na nasa opisina ko pala si Edward.

“Good morning, Stella. Bakit ang aga-aga ay nakasimangot ka? May kinalaman ba si Jacob diyan? May I have a guess. Hmm, LQ?” Natatawa nitong sabi.

“Kanina ka pa ba?” Hindi ko pinansin ang tanong niya. Ayoko ang biro niya sa akin eh alam naman niyang hindi kami magkarelasyon ng kapatid niya. “Mimi, do I have an appointment with Engr. Jacinto? Hindi ko kasi matandaan.”

Namula ang mukha ni Mimi, hindi ko maintindihan kung bakit.

Natatawa naman si Edward.

“N-none, Miss Stella.” Sagot naman ni Mimi.

I raised my brows to Edward. “O, wala pa eh! Is there any important thing that we need to discuss in person? At talagang sumadya ka pa dito eh pwede mo naman akong tawagan?”

“Wow! Ang sungit naman ng girlfriend ng Kuya ko. As much as I wanted to call you as Ate, alam mo kung ganyan ka kasungit sasabihan ko agad si Kuya na i-break ka na ngayon pa lang. Baka laging magmukhang board room ang bedroom ninyo kapag kinasal kayo. Dahil maaga pa lang nagtataray ka na.” Natatawa pa din ito.

“Hoy, ikaw! Naturingan kang Engineer, ang tsismoso mo. Lumayas ka na nga dito sa opisina ko. Kung hindi bibigwasan kita.” Pinandilatan ko siya ng mata.

“Fine! Okay, have a great day. Tatawagan na lang kita kapag okay na ang final plan at ang schedule ng construction ng resort ni Mr. Monteclaro.” Natatawa pa din ito. At nagpaalam na din ito sa nakayukong si Mimi.

MARRY YOU, NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon