Chapter 35 - Sorry Seemed to be the Hardest Word

71 0 0
                                    

(A/N: Ang haba ng title ng chapter no? Hehe.. Give it up for Chris as he took the courage to win Andrea Back. Your votes are highly appreciated.)

 

Chris’ P.O.V.

It’s nine in the morning.

Alam ko nasa loob na ng restaurant ang taong kakausapin ko ngayon. Sobrang nagpapasalamat ako sa kanya dahil hindi siya tumanggi na kausapin ako.

Natanawan ko na siya. Pormal ang mukha. Bagamat tumanda, hindi pa din nagbago ang matikas na anyo niya.

“Sir Ricky, thank you for your time. Salamat po at hindi ninyo tinanggihan ang invitation ko.” Panimula ko sa kanya.

Nakuha ko ang cellphone number niya kay Nathan at agad ko siyang inimbitahang magkape.

Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya ng diretso sa mata ko. Alam kong malaki ang galit niya sa akin dahil sa ginawa ko sa anak niya. At kailangan kong lakasan ang loob ko ngayon.

“Sir, I am very sorry. Truly, I am. Sinira ko po ang tiwala ninyo sa akin. Ang ipinangako ko po noon sa inyo na aalagaan ko si Andrea. I’m sorry if I break her heart and I am very sorry if nasaktan ko din po kayo bilang magulang niya. I’m very sorry if I have to mess with her life.”

Huminto muna ako sandali dahil nagsimulang-mangilid ang luha sa mata ko. Nakatitig lang sa akin ng pormal si Sir Ricky.

I told him everything. All of it.

Lumambot ang mukha niya. Any kaninang matalim na titig at punong puno ng pang-uunawa.

“Sir, I never stopped loving your daughter. She is always here.” Turo ko sa bahagi ng dibdib ko. “Bumalik ako two years ago dito sa Pilipinas, hoping that I could still work out my relationship with her. Pero naduwag ako ng nalaman kong may boyfriend na ito.”

Nagtataka ang tingin nito.

“I was wrong. I thought, Jacob is her boyfriend. Kaya hinayaan ko na lang siya. Dahil akala ko hindi na niya ako kailangan sa buhay ko. When I’ve known na hindi pa din siya nag-aasawa, I want to give it a try. May the best man win.”

“Kaya sa Empire po ako nakipag-kontrata ng resort na itatayo ko. At ginawa ko din po ang lahat kung bakit siya ang kailangan mag-on-hand sa project na ito. Her boss is one of Mom’s friend, kaya madali ko po napakiusapan sa balak ko.”

“Sir, patawarin po ninyo ako. I was too young back then. Immature. Irresponsible. Indecisive. I am hoping na payagan po ninyo ako ulit na manligaw sa anak ninyo. At sa pagkakataong ito, Sir. Pangako ko po. Hinding-hindi ko na po siya sasaktan pa.”

Matiim siyang nakatingin sa akin at kinakabahan ako sa sasabihin niya. Lihim akong nagdasal na sana hindi siya tumutol.

“Firstly, gusto kong murahin ka Chris. Gago ka! Hindi mo alam kung paano ang paghihirap ng anak ko ng iniwan mo siya. I could kill you now kung di ako makapagpigil.”

Napalunok ako. Punong-puno ng galit ang mata nito, pero sandali lang iyon at napalitan ng isang malungkot na emosyon ang mata nito.

“Chris, you know how much I love my daughter.” Tumango ako sa kanya. “I saw how her life became miserable. I saw how that pain killed her. And I know how she longs for you. Mahal ko siya at bilang isang ama, I will be happy of I could see my daughter happy again. Sige, pumapayag na ako.” Biglang lumiwanag ang mukha ko lalo na ng ngumiti siya.

“Salamat, Sir Ricky.” Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. “Hinding-hindi ko po kayo bibiguin.”

“Pero kapag hindi ka tumupad muli sa pangako mo. Huwag na huwag kang magpapakita sa akin. I’ll knock off your pretty face, young man.” Seryoso bagamat nagbibiro nitong sabi.

MARRY YOU, NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon