Chris’ P.O.V.
Mabilis na lumipas ang panahon at malapit na ang graduation.
Hindi pumayag si Dad na sa katabing bayan ako mag-aral ng college. Mas gugustuhin daw nito na sa Ateneo o hindi kaya sa Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila ako mag-aral.
Gusto kong matuwa, dahil sa wakas ay naramdaman ko na concern si Dad sa future ko. Ngunit kapag naiisip ko na malalayo ako kay Andrea, nakakaramdam ako ng lungkot at takot.
Nakakalungkot dahil kailangan naming maghiwalay sa ngayon, dahil kailangan kong mag-aral sa malayo.
May tiwala ako kay Andrea. I know she is trustworthy, pero wala akong tiwala sa mga taong pwede nitong makilala habang nasa malayo ako. Wala din akong tiwala sa sarili ko habang magkalayo kami. Kakayanin ko ba na hindi siya makikita?
Napag-alaman na din si Lolo Pete ang desisyon ni Dad at sumang-ayon naman ito. Maging ang kapatid ko ay tuwang-tuwa sa balitang iyon.
Pero, ngayon lang naman ito. Pag-iigihan ko ang pag-aaral upang maisaayos ko ang future naming dalawa.
Oo. Nangangarap ako para sa future namin ni Andrea. Para sa akin, siya na ang babae na kukumpleto ng buhay ko. Alam kong bata pa ako, at marami pang kailangang patunayan, pero gagawin ko ang lahat para makasama ko siya habang-buhay.
--
Araw ng graduation. Sa unang pagkakataon nagpunta si Dad sa event ko sa school. Sa pagkukumbinsi na din ni Lolo Pete. Class Valedictorian ba naman ako kaya kumpleto kami. Umuwi din si Charice to witness my graduation rites.
Lubos sana ang kaligayahan ko kung kasama si Mom.
Para sa iyo din ito Mom. Habang hawak ko ang diploma sa aking kamay. I hope you are also proud of me as your son.
“Pres, mamiss kita. Congratulations ulit.” Si Sandy ito. At katulad niya, graduate na din ito at mukhang sa Amerika ito mag-aaral ng pag-dodoktor. Gusto ng Mommy nito na doon mag-aral at maging isang plastic surgeon.
“I’ll miss you, too, Vice.” At niyakap ko siya. Si Sandy ang closest friend kong babae. Dahil na din siguro sa tandem namin sa Student Council Office. Two years din kaming nagkasama at enough na iyon to be very close.
“Well, where will you take up college?” Pagkuwa’y tanong nito.
“I guess, sa school din siguro ni Cha.” Maikli kong sagot.
“Oh, I hope Andrea won’t mind.”
“Of course, she wont.” Lihim ako na umasa na she will really don’t mind.
“I better go. See you around, Pres.” At lumapit na ito sa mga kapamilya nito.
Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng auditorium hall at natanawan ko ang buong pamilya nila Andrea na masayang nakangiti sa akin.
BINABASA MO ANG
MARRY YOU, NOT
Teen FictionAndrea always dream of a sweet proposal, a diamond engagement ring and a perfect wedding. She is a fan of romantic-comedy movie and wishes to be those princesses in fairytales. She has a default groom in her number of dreams, and it was Chris. Howev...
