Andrea's P.O.V.
"Mag-ingat ka doon, Anak ha? Wala kami ng Papa mo doon para bantayan ka." Ang OA lang talaga ng pagmamahal ni Mama minsan.
"Mama, hindi na po ako high school." I smiled sweetly to her. Totoo naman, kayang-kaya ko na ang sarili ko. I've been living independently for years now. Ang pagkakaiba nga lang ngayon, distracted ako ng presence ni Chris.
"Ako na po ang bahala sa kanya, Tita Yolly. I'll take care of her for you." And he winked to my mother and she automatically smiled sweetly to him.
Oh my! Kahit kailan talaga itong si Mama, nadadala sa charm ng lalaking ito.
"Aalis na po kami Mama, Papa. Mag-ingat po kayo dito. Tumawag kayo just in case may problema. Don't worry I will manage to come over kapag nag-site visit po ako. Malapit lang naman yung project site dito sa atin eh."
Niyakap ko ang mga magulang ko. Maging sila Chris, Edward at Mimi ay nagpaalam na din sa kanila at sumakay na kami ng van.
Dumating na kaninang umaga ang van na susundo sa amin pabalik ng Manila. Hindi naman kasi naiwan ang mga driver noong hinatid kami. Tapos na ang bakasyon at wala akong ibang choice kundi harapin ang trabaho. At walang iba, kundi ang stress na dala ng lalaking katabi ko ngayon.
Yeah, magkatabi kami talaga. As in!
Ang magaling na si Edward, ayun na sa unahang seat. Katabi ang girlfriend niyang si Mimi. Mababaliw ako sa kakaisip kung bakit sa maikling panahon ay naging sila na agad.
Eto na ngayon ang seating arrangement namin sa van.
First row - Edward at Mimi
Second row - Chris at ako
"Hoy Edward, nananadya ka ba talaga? Bakit nagbago ang seating arrangement without my approval?" Mataray kong sabi sa kanya.
"Ay grabe ka naman, Stel. Ano? Kailangan pa ng memo para magkatabi kami ng upuan ng girlfriend ko?" Naiinis yata ang tono niya.
Natahimik ako.
"Ms. Stella, sige po lilipat na lang po ako diyan." Kandaugaga naman si Mimi na ayusin ang gamit niya. Naawa naman ako. I think, I am the unreasonable here.
"It's okay, Mimi. Huwag ka ng lumipat."
"Alright!" At napapalakpak pa si Edward.
Isip-bata talaga. Nakakairita.
Bakit ba kasi big deal sa akin? Paano ba naman, he is so sexy right beside me. Wearing a plain light blue t-shirt fitted on him. Parang hindi nilalamig sa malakas na buga ng aircon dahil manipis ang t-shirt. His formed arms and abs are perfectly emphasized on that damn shirt.
"Hey, Andrea. You seemed so tensed. Don't tell me you are uneasy dahil sobrang guwapo ko talaga?" He grinned evily.
"Ano kamo? Ang lakas naman ng aircon ng van. Baka mag-yelo ako." Inirapan ko nga siya.
Natawa lang ito at sumandal sa upuan.
"Just in case you want to take a nap. You can lean on me." He tapped his own shoulder next to mine. And he wear his sunglasses. I think he will take a nap.
Ano daw? Ganoon ba ako ka-obvious kanina habang tinitingnan ko siya?
I managed to ignore him and looked away. Naisip ko ang mga magulang ko. How I wish na maisama sila sa Manila pero hindi ko sila nakumbinsi kahit kailan. Sabagay, nasanay na din kasi ang mga ito sa buhay probinsiya kaya hindi nila maiwan ang bahay namin dito.
BINABASA MO ANG
MARRY YOU, NOT
Genç KurguAndrea always dream of a sweet proposal, a diamond engagement ring and a perfect wedding. She is a fan of romantic-comedy movie and wishes to be those princesses in fairytales. She has a default groom in her number of dreams, and it was Chris. Howev...