Chapter 5 - Frustration

98 1 0
                                    

Chris’ P.O.V.

“What the heck! Who is that Rapunzel? And who is that fucking teacher who gave that stupid question?” Galit na galit ako dahil sa pagkatalo ko. Hindi katanggap-tanggap.

“Hey, Pres. Be a sport. Okay?” Si Sandy ang Vice President ng Student Council. “Battle is a general information quiz, so anything under the sun could be asked.” Paliwanag nito.

“Pero kahit na. The Battle Master said na kahit bata kayang sagutin. Why the heck I don’t know that fucking fairy tale?”

Hindi talaga ako makapaniwala. Na sa walang kakwenta-kwentang tanong ako natalo nung Andrea Tijares na ‘yun.

“Handa ka na bang matalo?” Naalala ko pa ang banta nito bago magsimula ang laban kanina.

“After all those years, Sandy. I am the undefeated champion of the Battle. How come that I am defeated this time? Walang kakwenta-kwenta ang tanong. At hindi ko alam kung bakit nanalo yung Tijares na ‘yun.”

“Ikaw talaga, Pres.” Niaiiling na lang si Sandy sa reaksyon ko. “Hindi maganda na ganyan ang reaksyon mo. Buti at tayong dalawa lang ang nandito sa SC office. Paano kung may ibang makarinig? Hey, take note of this. You are the Student Council president. One of your responsibilities is to upbuild the students. Ano ang sasabihin nila kung makikita nila na hindi good sport ang presidente nila? Tss!” Naiinis na din sa akin si Sandy.

“Sorry. It’s just.. I lost.” Mahina kong sabi.

“I am really sorry, Chris. But, not all luck is yours. This time, it’s Andrea’s. Go and congratulate her.” At iniwan na ako nito.

Shit! Shit!

Ito ang katotohanan. Natalo ako. Malamang katakot-takot na kantiyaw ang aabutin ko nito sa mga barkada ko.

Tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Lolo.

Patay! Nakakahiya! Malamang alam na din nito. At alam na din nito na I just lost because of a stupid question.

“Hello po, Lolo.” Kinakabahan ako.

“Apo. Hindi mo ba naaral ang scope ng Battle?” Tanong nito.

“Naaral naman po Lolo.”

“Eh, bakit hindi mo nasagot ‘yung tanong na ibinigay ko?”

What? That stupid question came from Lolo Pete?

“Kayo po ang nagbigay noong question na ‘yun?” Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

“Yes. I thought it was very simple. And it is the only question I gave to the organizers. I never thought that you didn’t know it.” At humalakhak ito ng malakas sa kabilang linya.

“Lolo, are you laughing at me?” Nagtatampo ako sa Lolo ko. “How could you laugh just like that, when I just have lost?”

“Seriously, Christian hindi mo talaga alam ang sagot?” Naa-amuse na tanong nito.

Bwelo muna. Kasi naiinis na din ako kay Lolo. Ang lakas nitong tumawa.

“No.”

At humalakhak ulit ito.

“Why are you laughing?” Napalakas ang boses ko. Bigla naman itong tumahimik at maya-maya tumawa ito ulit. Ang lutong ng tawa nito. Grrr.. The old man is making fun of me! Damn!

“Lolo--”

“You know why I am laughing?” Sandali itong huminto para pigilin ulit ang tawa. “That question was from your younger cousin, Izza. I read her a fairy tale the other night. Napagkatuwaan ko lang na ‘yun ang i-submit kong tanong.”

What? Izza is just a pre-schooler. Kaya pala sabi ng Battle Master kahit bata daw ay kayang-kaya sagutin ang tanong na iyon. Totoo nga na galing ito sa bata. Lalo tuloy ako nainis. Damn!

“Thank you to you, Lolo and to Izza, too.” I said sarcastically. Naramdaman ata ito ng Lolo ko.

“Christian, Apo. Hindi lahat ng bagay ay kailangan ng mataas na IQ. May mga simpleng bagay tayo minsan na nakakaligtaan. Katulad noong mga ganoong tanong. Don’t feel stupid. Being excellent is not just achieving big ones; it’s also achieving several small ones. Alam ko how you are feeling right now, Apo. But, maybe, you will also learn lessons from here.” And he hanged-up the phone.

May point naman si Lolo. Hindi lang dapat mahihirap at kumplikadong subjects lang ang alam ko. Natawa na lang ako sa sarili kong kakulangan. Akalain mo nga naman. Fairy tales? Well, I never had thought. Saka malay ko ba sa mga ganoon.

May point si Lolo. May point din si Sandy.

Pero kailangan ba talaga na i-congratulate ko ang Andrea na ‘yun? Mamaya mahawa pa ako sa pimples n’ya.

Bakit? Makikipagbeso ka ba?

Kinilabutan ako sa naisip ko. Napahawak ako sa pisngi ko.

Yuck!

Oo na. Sige na.

I should accept defeat. At saka magaling talaga din ito. Mahirap ang mga equations sa Math, maging ang mga formula sa Chemistry, pero nasagot n’ya pa din. Nagkataon lang siguro talaga na malas ako sa match point question.

At dahil ‘yun sa stupid question ni Lolo. Tss!

Pero wala namang masama na maging friend ko si Andrea Tijares. Mukha naman itong mabait, kahit na marami itong pimples. Saka matalino din ito. Magkakasundo din naman siguro kami.

Saka hindi din maganda sa image ko bilang SC president kung hindi ako sports.

MARRY YOU, NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon