Chapter 4 - The Battle

111 1 0
                                    

Andrea’s P.O.V.

Ito ang araw na pinakahihintay ko. Maaga pa lang gumising na ako para mag-pray at manghingi ng guidance kay Lord.

Lord, I know you have blessed me a lot. I have been declining the Battle for two years, and I hope that you will give me the chance to win today. Nakasalalay po dito ang extra-merit points at ang possible na pagiging Valedictorian ko next year. Gusto kop o maging Valedictorian para po hindi naman po mahirapan sila Mama at Papa na mapag-aral ako sa college. At sana Lord, ito na din po ang chance para maging friends kami ni Chris. Amen.

Inspired na akong pumunta sa school.

Kumakanta-kanta pa ako habang naghahanda ng almusal.

“Wow! Ate, ang ganda yata ng gising mo ah.” Ang makulit kong kapatid. Nakabihis na din ito papuntang Academy.

 “Hm, sort of.” Matipid kong tugon.

 “Ate, galingan mo ha? Ako ang number one fan mo.” Anito na nagsimula ng kumain.

“Eh, paano yung ka-level mo? Mamaya eh may masabi sila sa’yo na taga-Juniors ang sinusuportahan mo?”

“Ay naku! S’yempre mas susuportahan ko ‘yung kapatid ko, kesa sa kaklase ko lang. Hello?”

Napangiti ako sa sinabi ng kapatid ko. Sweet din talaga kasi si Chella. ‘Yun nga lang may pagka-bratinela lang ito. Bunso kasi kaya na-spoil masyado nila Mama at Papa.

Pero kahit brat ito, nirerespeto at kinikilala n’ya pa din na ako ang mas nakakatanda. Saka ugali ko na din kasing pagbigyan ito, lalo na kung may gusto itong ipabili. Hinahayaan ko na lang.

Unlike me, sakitin si Chella. Konting ulan at lamig, sinisipon at inuubo ito. Noong maliit pa ito, labas-pasok ito sa hospital. Kaya naman, sobrang mahal na mahal namin ito.

Ganunpaman, ‘di naman din nagkulang sila Mama at Papa sa akin. Kung anong pagmamahal ang binibigay nila kay Chella, ganun din ang binibigay nila sa akin.

“Ate, ready ka na ba mamaya? Nakapag-review ka ba ng maayos? Kinakabahan ka ba?” Sunod-sunod ang tanong nito habang ngumunguya.

“Alam mo ikaw. Kumain ka muna ng kumain. Ang daldal mo naman. Mamaya mabilaukan ka.” Kumain na din ako.

“Sorry.” At nanahimik na ito.

Kumain kami ng tahimik. Pagkuwa’y nagising na din sila Mama at Papa at sumabay na sa amin.

“Andrea, ikaw ba ang nagluto?” Si Mama. Ang ganda-ganda n’ya talaga kahit bagong gising lang.

“Opo, Mama.” Sagot ko naman.

“Aba! Kita mo nga naman ang anak ko. Marunong ng maghanda ng almusal.”

Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

“Anak, galingan mo sa Battle ha?” Si Papa, nagsalita ito pagkatapos makainom ng kape.

Napatingin ako sa kanya. Paano nalaman ni Papa? Napatingin ako kay Chella. At binigyan ako ng “hindi-ako-look”.

“Paano n’yo po nalaman ‘Pa?” Kahit alam ko na kung paano, tinanong ko pa din s’ya.

“S’yempre, malalaman ko ‘yun.” Nakangiti ito. “Anak naman. Bakit kasi pag may mga laban ka, hindi ka nagsasabi? Para naman kahit papaano mabigyan ka naming ng moral support?” Si Papa kasi ay music teacher sa Academy. Ayoko magsabi sa kanya, kasi nape-pressure ako lalo.

Ayoko kasi mapahiya ito kapag natalo ako.

Ayoko din mapahiya si Papa sa mga co-teachers n’ya. 

MARRY YOU, NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon