Maraming tanong ang bumabagabag sa isip ko habang nasa daan kami papunta ng San Felipe. Matagal din ang biyahe namin at buti na lang kasama namin si Nathan ngayon para mag-drive sa aming magkapatid.
Tahimik ang loob ng sasakyan. I think, they are respecting my silence.
“Andrea, this may sounds off, but, I think Chris will be at the groundbreaking. He arrived last week and maybe he is already in San Felipe. Ready ka na ba to face him? Just tell me, so I could be around.” Si Nathan ang bumasag ng katahimikan ng biyaheng iyon. He just confirmed that “he” is really back.
“Oo nga Ate. Nandoon din naman ako sa event.” Chella seconded.
Hindi ako sumagot. I pretend uninterested. But deep down inside me. I guess, I am excited.
Excited ako to see him again? Nah!
“Ate, okay ka lang diyan?” Nasa passenger’s seat si Chella at nasa likurang upuan naman ako. Marahil naramdaman nito na ayokong sagutin ang tanong ni Nathan.
“Yeah! Don’t mind me. Gusto ko umidlip.” At ipinikit ko na ang mga mata ko.
Hindi na din nila ako kinausap. Nagkuwentuhan na lang ang mga ito. Catch-up na din nilang dalawa dahil matagal din ang contract ni Chella sa airline.
Habang pinagmamasdan ko ang kapatid ko. I can feel that she is very happy with Nathan. Kuntentong-kuntento na ito sa kakornihan ng mga jokes nito at ang pagiging malalahanin ng binata.
Ganoon din ako kasaya dati. Emosyon na matagal-tagal ko na ding hindi nararamdaman.
Pagmamahal.
Kasiyahan.
My life is empty. “He” got everything away from me. Even my own life. My own happiness. I am forced to change my whole being, for me to forget him.
Nice try for me! I know I am not succeeding.
Bakit nga ba kailangang humantong sa ganito ang lahat?
Bakit nga ba magpahanggang ngayon, pilitin ko man limutin ang nakaraan hindi pa din ako totally nakakapag-move-on?
Bakit hanggang ngayon may isang bahagi ng puso ko ang umaasa na sana, siya pa din ang maging groom sa dream wedding ko?
Ngunit may bahagi naman ng isip ko na nagsasabi ng kabaliktaran. Bumabatikos. Nagwawala sa galit!
Bakit kailangan mong umasa?
Bakit kailangan mong mangarap na naman na may second chance pa kayo?
Bakit nagpapakatanga ka na naman, Andrea?
Imposible ng mangyari iyon!
Marahil iyon ang dahilan kung bakit magpasahanggang ngayon ayokong mag-entertain ng ibang lalaki sa puso ko.
Maraming nagtangka ngunit marami din ang nabigo. But not all of them gave up yet. Someone remained.
Si Jacob Dominic Jacinto.
Jacob is my officemate. He is the Junior Vice President of the Operations Group. He is a widow already at the age of 36. Dahil namatay sa panganganak ang wife niya six years ago. At naiwan sa pangangalaga nito ang anim na taong anak.
Marami ang nagsasabing we look good together. In fairness naman, tama naman sila. We both have a good career and Jacob is really a good looking guy. He is sweet ang thoughtful. A responsible man and father. Almost perfect.
It’s been almost three years when he officially courted me. We go out on a date. Sa mga corporate events, siya madalas ang escort ko. We do have a good working relationship. Sabi nga ng mga big bosses namin, we are a perfect tandem at work and even as a couple.
Maraming nag-aakala na we are officially together, pero hindi namin inaamin ang totoo. Ayoko na mapahiya si Jacob sa mga ka-trabaho namin. Noong una pa man, I don’t like the office romance thing.
Ngunit hindi ko maturuan ang puso ko na humigit pa sa pagigig magkaibigan ang maramdaman ko sa kanya.
I can’t love him back the way that he does for me. I don’t want to be unfair, kaya hanggang ngayon I could only offer him friendship.
Naalala ko ang minsang usapan namin ni Mama. Kahit naman malayo ako sa kanila, kapag kailangan ko ng payo nila tumatawag ako agad.
“Anak, baka naman hanggang ngayon ay umaasa ka pa din sa lalaking iyon, kaya hindi mo nagagawang buksan ang puso mo para kay Jacob? Huwag ka ng umasa, Anak. Mas lalo ka lang masasaktan. Dahil minsan, may mga bagay na gustuhin man natin, pero hindi na pwedeng mapasaatin. Why not give Jacob and yourself a chance, malay mo siya pala ang lalaking para talaga sa iyo.”
Hindi ko mabigyan ng katwiran ang sinabi ni Mama. Dahil, tama ito. Kahit anong gawin ko, hindi ko na pwedeng maibalik ang nakaraan.
Ayokong bigyan ng chance si Jacob, dahil natatakot ako.
Natatakot ako na baka sakaling bumalik si Chris, pero naibigay ko na ang puso at buhay ko sa ibang lalaki.
Oo na, aaminin ko na. Isang dahilan ng pagpunta ko ng San Felipe ay ang marinig ko ang dahilan kung bakit niya ako iniwan.
Kung bakit kailangan niya akong pagmukhaing tanga at gaga ng kakaantay sa pagbabalik niya. Pero wala naman pala siyang balak bumalik.
At kapag nag-sorry siya? Ano naman? Papatawarin mo agad? Bahagi ng utak ko na nagbibigay ng warning sa maaring katangahan na naman na gagawin ko.
Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam. Ang gulo ng utak ko.
Christian Christopher Monteclaro!
Ang tagal kong pinilit kalimutan ang pangalan mo.
Pangalang kahit saang bahagi ng pagkatao ko, isinisigaw ang mga iyon.
Mula noon hanggang ngayon.
Na kahit na maraming masasakit at mapapait na alaala ang pangalang iyan, hindi ko pa din lubusang makalimutan.

BINABASA MO ANG
MARRY YOU, NOT
Novela JuvenilAndrea always dream of a sweet proposal, a diamond engagement ring and a perfect wedding. She is a fan of romantic-comedy movie and wishes to be those princesses in fairytales. She has a default groom in her number of dreams, and it was Chris. Howev...