Chapter 7 - Sing-offs

92 1 0
                                    

Nagulat ako pagdating namin ng bahay. Akala ko kaunting meryenda lang ang dadatnan namin. Hindi ko akalain na Videoke Party pala ang inihanda ni Mama. At kumakanta na si Papa pagdating namin. Wala pa ang mga kaibigan ko. Kaya kami-kami pa lang.

Si Papa. Si Mama. Si Chella. Ako. At si Chris.

Happy family lang ang peg? Ayiiiee!

“Mama, Papa. Kala ko po simpleng meryenda lang po? Party po pala ito.” Ang saya lang sa pakiramdam na nag-effort ang mga magulang ko. 

“Oo, sana Anak. Kaso lang, gusto ng Papa mo na mag-videoke eh. Matagal na din naman nating hindi ito nagagawa. Kaya heto. Congratulations, Anak.” Anito. Pagkuwa’y dumako ang tingin nito kay Chris.

“Ay, Mama. Si Chris nga po pala. President po ng Student Council namin.” Hindi ko na sinabi na s’ya po yung natalong contestant ng Seniors. Baka bawiin pa nito ang friendship namin.

“Ikaw pala si Chris. Aba, guwapong bata. Ikaw ba ‘yung apo ni Mr. Pete Monteclaro na may-ari ng Academy?” Si Mama. Interrogation talaga?

“Ako nga po, Maam.” Magalang na sagot naman ni Chris.

“Naku, anong Maam? Tita Yolly na lang. Lahat ng mga classmates at friends niyang si Andrea eh tinatawag akong ganyan. Nagugutom na ba kayo? Halika na at kumain na kayo.”

Tumigil muna si Papa sa pagkanta at nilapitan n’ya kami.

“Sir?” Tila nalilito ito ng makita si Papa. “Sir Ricky?”

“Hey, Chris. Welcome to our humble home.” Masayang bati ni Papa sa kanya.

“Papa ko.” Hindi ata nito alam.

“Anak ka ni Sir Ricky?” Hindi ito makapaniwala. Hindi ko din alam kung bakit hindi n’ya alam.

“Mana ba sa akin ang anak ko, Chris?”

Teka, close sila ni Papa?

“Opo. Manang-mana po. Now I know why? Thank you for having me here, Sir.”

“You will always be welcome.” Tumingin ito sa akin. Makahulugan ang ngiti ni Papa. Bumaling ito muli kay Chris. “After ninyong kumain. Kanta tayo ha?”

“Sure po.”

“Anak, entertain your guest.” Bilin ni Papa, bago nagpunta ng videoke.

“Psst, Pres. Close kayo ng Papa ko?”

“Hahaha. Oo naman! Siya ang music teacher ko. Tinuruan niya din ako mag-keyboard. Idol ko yung Papa mo pagdating sa music.” Nagsandok na ito ng pagkain.

Maraming nakahain sa mesa. As usual ang paborito kong spaghetti, fried chicken, shanghai rolls at nachos. May chocolate cake din.

Nakakatuwa talaga ang parents ko. Ang sweet ng mga ito. Eversince naman kasi, proud sila sa amin ni Chella pagdating sa achievements. Ang bait din sa akin ni Lord dahil isang very supportive na pamilya ang ibinigay N’ya sa akin.

“Pero, hindi ko alam na anak ka nya. Sorry ha? Ang humble mo naman. Anak ka ng isang magaling na music teacher, tapos hindi ko alam. Hindi ka naging campus figure dahil sa Papa mo. You made it, dahil magaling ka talaga. You have an identity of your own.”

I am flattered. Ang dami nitong papuri. Halos malunod ako. Pakiramdam ko nga pahaba ng pahaba ang hair ko eh.

Alam kong namumula ang magkabilang pisngi ko. Hindi ako sanay na binibigyan ng ganoong klaseng papuri.

“By the way, stop calling me, Pres. Just Chris. Okay?”

Ano daw? Chris na lang daw ang itawag ko? First name base? Ayy!! Friends na nga talaga kami.

MARRY YOU, NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon