After winning the Battle, things were never the same
I am an official campus figure now even I don’t feel like it
Marami na din ang nakapagsabi na I should run next year’s Student Council presidency.
Thinking of that, I really don’t like the idea.
Nasa study shed ako ngayon. Ito ang favorite tambayan namin ni Claire. Mahangin kasi dito at mapuno kaya masarap mag-aral. Absent lang ito ngayon dahil nilalagnat daw
Malapit na ang semestral exams kaya todo aral ako. Ayokong maging kampante. Sa pagiging Top 1 ko na lang nabibigyan ng pride ang parents ko.
“Hi Andrea. Ang sipag mo pa din mag-aral, kahit na matalino ka na.” Nagulat ako na si Chris pala ang nagsalita.
“Oh, hi Pres. Ay, Chris pala.” Hindi ko ine-expect ang paglapit n’ya sa akin. “Yup, malapit na kasi ang exams eh."
“Lunchbreak na ah. Wala kang balak kumain?”
“Mamaya na lang. May baon naman ako. Dito na lang din ako kakain kapag natapos ko na itong basahin.”
Ang totoo, hindi na ako makapag-concentrate sa inaaral ko. Masyadong nagre-react ang puso ko. Ang pogi pogi naman kasi ng kaharap ko ngayon.
“Will you mind if I join you?” Bago pa man ako nakasagot. Pumuwesto na ito sa upuan kaharap ko. Inilabas nito ang sariling pagkain.
“May magagawa pa ba ako? Eh naupo ka na kaya?” Umingos ako sa kanya
“Oh, well--” Nagsimula na itong kumain. “Come on. Eat first, bago ka mag-aral.”
Wala na akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Wala din namang papasok sa utak ko once na nagkunwari akong nagbabasa.
“Okay sige.” Inilabas ko na din ang lunchbox ko at nagsimula na din akong kumain.
Habang kumakain kami, wala kami halos imikan. Kanya-kanya kaming subo. Naiilang ako kapag nahuhuli ko s’yang nakatitig sa akin
Chris, wag ka namang ganyan! Para kasing binibilang n’ya ang mga pimples ko.
Nang matapos na kaming kumain, I thought aalis na s’ya. Pero, he stayed at nakipagkwentuhan pa muna s’ya sa akin. About sa mga subjects ko. Tapos kung sino ang paborito kong teacher.
“Andrea, can I ask something? Pero wag ka magagalit ha?”
Napatingin ako sa kanya. Ano naman ang pwede kong ikagalit?
“Promise me you wont get mad.”
Napatango na lang ako. “Sige. What is it?”
“Ahm, may nakapagsabi na ba sa’yo na maganda ka?”
Napamaang ako sa sinabi n’ya.
Ano kamo?
Ulit nga?
“Ha?” Nanlaki ang mga mata ko.
“I said, may nakapagsabi na ba sa’yo na maganda ka?”
Shucks! Anong ibig n’yang sabihin?
Omigosh! Manliligaw na ba s’ya sa akin?
Magkakatotoo na ba ang sinabi ni Claire na na-develop na sa akin si Chris?
“Ah, eh.. Wala pa.” Mahina kong sabi. Napayuko ako. “Hindi naman kasi ako maganda. Lalo na at puno ng tagyawat ‘yung mukha ko.” Nahihiya akong sabihin pero iyon kasi ang totoo.
BINABASA MO ANG
MARRY YOU, NOT
Fiksi RemajaAndrea always dream of a sweet proposal, a diamond engagement ring and a perfect wedding. She is a fan of romantic-comedy movie and wishes to be those princesses in fairytales. She has a default groom in her number of dreams, and it was Chris. Howev...