Chris’ P.O.V.
Hindi niya ginagalaw ang pagkain niya.
Hay! Ang arte talaga nito.
Alam kong gutom na ito, pero nagmamatigas pa din.
“Kumain ka na.”
No reaction from her.
Hay! Ang arte!
“Okay, I’m sorry, Andrea kung ganoon ang inasal ko. Kasi naman, hindi kita matawagan kanina. Ayoko naman ding kumain ako mag-isa kaya I waited for you. Akala ko naman hindi totoo ang sinabi ng receptionist ninyo na eleven ka pa lalabas ng opisina. Pero nag-antay na ako ng matagal eh. Itinuloy ko na.” Paliwanag ko sa kanya.
“I’m sorry din for being rude. Pero, pwede ba kumain na tayo. I’m really starving!” At kumuha na ako ng pagkain. “Please, kumain ka na din.”
Inirapan niya muna ako bago niya ginalaw ang pagkain niya.
Hanggang ngayon, ganito pa din ang ugali nito. Hindi talaga ito susunod hanggang hindi ako nagso-sorry sa kanya.
Maya-maya pa ay magana na itong kumain.
“Ihahatid na kita ha? No but’s. Alam kong pagod ka na. Thank you for working hard for my resort. I will fetch you tomorrow dahil it’s my fault na wala kang kotse pagpasok.” I gave her a warning look. “And don’t ever be stubborn. You will wait for me. What time kita dapat sunduin?”
“Seven in the morning.” Maikli niyang tugon.
“Okay. Come on. You need to rest. Just tell me where is your place.”
Wala na din siyang nagawa kundi sabihin kung saan siya nakatira.
May kalayuan din mula sa restaurant na ito ang uuwian niya. Kung magtatatxi nga ito, hindi siya magiging safe. At kitang-kita ko din talaga sa mata niya ang pagod. Antok na antok na din ito.
Kawawa naman ang prinsesa ko.
I guided her inside the car at dahil siguro sa pagod, hindi na din ito nakipagtalo ng ako na mismo ang naglagay ng seat belt niya.
“You can take a nap habang nasa biyahe tayo. I’ll wake you up when I reached your condo.”
She did not answer pero she reclined her seat a little bit and leaned. She closed her eyes.
I missed you, Andrea! I hope you could forgive me in all the pains I caused you.
I gave her a concerned look bago ulit ako nag-concentrate sa daan.

BINABASA MO ANG
MARRY YOU, NOT
Teen FictionAndrea always dream of a sweet proposal, a diamond engagement ring and a perfect wedding. She is a fan of romantic-comedy movie and wishes to be those princesses in fairytales. She has a default groom in her number of dreams, and it was Chris. Howev...