Chapter 3 - Imperfect

100 1 0
                                    

Chris’ P.O.V.

Ako na naman ang isasali sa Battle. Every year naman din ako nananalo. 

Hindi na nga ako na-chachallenge. Parang ang dali-dali naman ng lahat ng mga questions sa Battle of the Brains tuwing annual Academy Foundation Day.

Pero this time, may bago akong kalaban.

Si Stella Andrea Tijares.

Siya yung presidente ng Juniors Class A, at consistent Top 1 din ng level nila.

Based sa nabalitaan ko, nagkakasakit ito tuwing Battle kaya ngayon lang daw ito makakasali.

I feel alarmed. To be the consistent Top 1 since freshman to juniors is a heck of a genius. Mukhang kailangan kong mag-aral ngayon.

Last year ko na sa Academy.

At ayoko naman na sa last year ko pa ako matatalo. Considering that I am also the Student Council President.

Actually, I already declined the invitation na ako ulit ang maging contestant, kaso our level even do a signature campaign just for me to join the Battle. Who am I to argue then?

I think they are expecting too much from me. I am the undefeated champion of The Battle of the Brains every year, at magiging malaking historical data na I swept the championship for four years.

Now, I feel pressured even.

Well, hindi naman din ako pwede magpakampante, dahil I heard Andrea is really a brainy student. As per my classmates, halos lahat ng mga quizzes at exams nito ay perfect score.

Incredible, indeed!

Pero, I met her once. Naalala ko, nanlamig pa ito nung nakipag-kamay ako sa kanya. Hindi ma-explain kung magpapa-cute ba sa akin o nahihiya.

She is not pretty. Kaya siguro maraming time sa pag-aaral kasi wala naman itong time mag-ayos ng sarili. Sa sobrang studious, nagkaroon s’ya ng maraming pimples.

Naisip ko ang mukha nito na nakalagay sa bulletin board.

Parang masusuka ako.

She is really… yuck!!

Isa sa dislikes ko sa babae, ay ‘yung hindi marunong mangalaga ng sarili. Pimples could be got from untidiness and poor hygiene. She should send herself to a dermatologist. How could she just leave her face to be like that? Hindi ba s’ya napapangitan sa sarili n’ya?

Teka, bakit ba iniisip ko ‘yung tungkol sa mukha n’ya?

I should be preparing. I should be reviewing.

-- 

I am Christian Christopher Monteclaro. 17 years old.

I am the current president of the St. Peter Academy Student Council. And I had been in the position for two consecutive years.

I am a consistent topnotcher from freshman to seniors. With that, I always win the Battle every Foundation Day.

I am a ‘campus heart throb’ sabi ng marami.

Well, convinced naman ako doon. Minsan nga nagugulat na lang ako, may mga gifts ako na natatanggap sa mga admirers ko sa campus. Tuwing Valentines Day, may mga natatanggap pa akong cards at love letters from them.

Not exaggerating, minsan lantaran na ang mga girls na nagbibigay ng mga indecent proposal sa akin. Pero di ko naman ito pinapatulan.

Noong una, gusto ko. Siyempre, poging-pogi ang dating ko. Pero ngayon, nakakairita na. Ayoko naman talaga na maging campus figure, kaso si Lolo kasi ang nag-convince sa akin na tumakbong president ng Student Council. Simula noon, lalo tuloy dumami ang admirers ko, na wala ng ginawa kundi bantayan lahat ng kilos ko.

MARRY YOU, NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon