Chapter 38 - Loveless

52 1 0
                                    


Andrea's POV

“Yes, Sir.” I ended the conversation with my boss. I can’t believe it na sabihan niya ako na huwag muna akong bumalik sa Manila at sulitin ang bakasyon ko.

“Edward, may padrino ka pa talaga ha? Sinabi mo kay Boss na uuwi na tayo bukas?” I asked him intently.

Sumipol lang ito na sinasadyang mang-asar.

“Grrr.. How could you? Nakakainis ka!” Nang-gagalaiti ako sa kanya. It means na mapopro-long pa ang pakikisama ko sa Chris na iyon. Gusto ko na talaga makabalik, para maiwasan ito.

“Ms. Stella, minsan lang naman po tayo magbakasyon. I-enjoy na po natin. Saka, minsan lang pumayag si Boss ng ganyan. Ang bait niya di ba?” Si Mimi iyon.

“I can’t believe you, Mimi. Don’t tell me na nag-eenjoy ka kasama ang lalaking ito?” Makahulugang nagkatinginan ang dalawa.

Inakbayan ako ni Edward. “Alam mo Stella, tatandang-dalaga ka niyan eh. Una, si Kuya Jacob na saksakan ng guwapo katulad ko, binasted mo. Tapos ngayon naman si Mr. Chris Monteclaro, na ubod ng yaman at ubod ng gandang-lalaki, pinahihirapan mo. Tss! Kawawa ka naman kung magiging old maid ka.” Tatawa-tawa nitong sabi.

“Ano kamo? Oh, bakit napasama dito ang Monteclaro na iyon?” Iritable kong sagot.

“I smell something between the two of you. Pero sa ngayon hindi ko pa alam. Unless you tell us.”

Napahalukipkip ako. “Wala akong sasabihin sa iyo, dahil wala ka namang dapat malaman.”

“Well, if that’s the case, be it. I guess, ikaw ang may dapat malaman.” At tumingin ito kay Mimi. Iyon na naman, namumula na naman ang pisngi nito. Mukhang nahuhulaan ko na ang sasabihin nito.

“Mikaela and I are officially together.” At hinapit niya ang babae.

Kahit na nahulaan ko iyon. Hindi pa din ako makapaniwala na Mimi could decide just like that.

“Eh, di ba kailan ka lang nanligaw?” Tanong ko sa kanya. “At ikaw naman Mimi, di ka man lang nagpakipot?”

“Stella, wala sa tagal o ikli iyan. Kung mahal mo ang isang tao at importante siya sa iyo, bakit mo pa patatagalin?”

I shrugged. “Well, goodluck to both of you then.”

They both smiled at me.

“So, pwede na kami mag-date ha? Baka naman lagi mo utusan mag-overtime itong girlfriend ko?” Alam na alam nito na lagi ko pinapag-overtime si Mimi.

“Kaya ayoko ng office romance eh. Nababawasan ang productivity ng mga empleyado eh.”

“Ang bitter mo naman, Stella. Or should I say, na naiinggit ka lang sa amin nitong mahal ko?” At tumawa pa ito.

“Whatever!” I rolled my eyes.

Sabay na natawa ang dalawa.

“Kung ako sa iyo, bigyan mo ng chance si Chris. Bagay na bagay kayo. Mukhang ang lakas ng tama sa iyo noong tao eh. May past ba kayo?

Ang lakas naman ng pang-amoy nito. Hay! Tsismoso.

“Alam mo ikaw, tsismoso ka na, assuming pa. Sino naman nagsabi sa iyo na manliligaw sa akin iyon?” Hindi ko pinansin ang tanong nito.

“Eh, Ms. Stella, nagtanong kasi si Sir Chris, kung pink roses pa din ba ang paborito mo eh?” Si Mimi iyon. I looked at her, surprised with what I heard. “Baka po magpapadala ng roses sa inyo?” Kinikilig nitong sabi.

MARRY YOU, NOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon