My journey

1.6K 36 1
                                    

BEA's POV
Present time
6 years after
          Sa isang paborito kong kapihan ako nakatambay....anim na taon na din simula ng lisanin ko ang davao. Sa anim na taon na pamamalagi ko dito sa manila nag-iba ang takbo ng buhay ko. Halos limang buwan lang ako namalagi sa pinapasukan kong magazine dahil sa isang malaking dahilan na mas dapat kong unahin noon. Minsan may mga bagay na kahit gaano mo pa pinaghandaan at pinlano para bang di mo mabigyan ng chance na tuparin yon dahil may mas malaking pwersa na kumokontra at pilit na inililiko ka sa isang daan na mas kaylangan mong tahakin. Kinailangan kong bitawan ang trabaho ko sa magazine kahit dream job ko yun. Inisip kong may iba yatang plano si God sa akin. Kaya ang nangyare nagpasa ako ng nobelang nagawa ko sa isang pocketbook company.... pagkatapos ng dalawang linggo tinawagan nila ako at nagustuhan daw ng publisher ang novel ko. Kaya eto yung hobby ko noon ng pagawa ng mga story at novel napakinabangan ko. Medyo madaminna din akong na-publish na pocketbook at sobrang na-enjoy ko ang trabaho na ito. Hawak ko ang oras ko at di kaylangan na nakakulong ako sa loob ng opisina. Dito ako nahasa sa pagsusulat ko na akala mo ba napaka-dami kong pinagdaanan sa buhay sa lawak ng imagination ko. Madalas akong magsulat sa coffee shop mas ginaganahan akong nakakakita ng mga tao at pinag-aaralan ang nga kilos at gawi nila habang bumubuo ng storya para sa nobela ko. Pati mga nakakausap kong kakilala at kaibigan hinuhugutan ko ng mga ideas para mas lalong maging buhay ang mga karakter sa nobela ko.
          Masaya akong naging writer ng mga pocketbook kahit noong una ay halos mag-give-up na ako, ganon pala talaga kung kailan ayaw mo na saka naman biglang magkakapag-asa ka. Minsan lugmok na pero biglang matatauhan ka at tatayo kung san ka nadapa. Nahirapan ako ng lumipat ako d2 sa manila....19 lang ako non...culture shock talaga at para bang nabigla ako. Sa anim na taon ko d2 tumira nasanay na din ako sa takbo ng buhay dito. Mula ng umalis ako ng davao pinutol ko lahat ng koneksyon ko sa mga taong naiwan ko doon maliban kay Ana ang bestfriend ko. 25 na ako ngayon still no boyfriend since birth kahit yata ang magkaroon ang relasyon hindi nakatadhana sa akin. Gustuhin ko man hindi naman pwede...ayoko. In my heart and mind itinatak ko na di na gugustuhin pang magkaroon ng romantic relationship sa opposite sex. Binawalan ko na ang puso ko na mahulog dahil may mas nangangailangan ng atensyon ko at pagmamahal. Bawat oras at pangarap ko ay mas may pinaglalaanan ako ng higit pa sa buhay ko. Ayokong hatiin ang puso at isip ko dahil gusto kong punuin kung ano man ang kakulangan at ayokong magkaroon ng puwang o kabawasan na dapat ay maibigay ko ng buong-buo.
          Sa paglipas ng mga panahon naging matatag ako, natutong maging matibay di dahil ginusto ko kungdi dahil kinailangan ko. Wala akong pinagsisisihan sa buhay ko sa mga naganap. Nadagdagan pa nga ang kulay ng pagkatao ko kahit mahirap at di inaasahan nalampasan ko at sa ngayon unti-unti nakakabangon at nakakasayaw na din sa galaw ng buhay na ibinigay sa akin.
          When i reached my 21 st birthday nakuha ko ang trust fund ko na iniwan  ng mommy ko...yun ang naging simula ko sa pagharap sa bagong phase ng buhay ko. Aaminin kong naging mas madali akong nakahaon dahil dun....kaya mas nagpursigi pa ako sa pagsusulat para mas dapat mapagyaman ko ang naiwan ni mommy. Ayokong maubos at mapunta sa wala ang kung anong meron ako ngayon.
          Kahit may communication kame ni Ana di naman kame magkasama dahi nasa davao sya at tumutulong sa negosyo ng pamilya nya. Buti nga sya at may boyfriend na mukha ngang yayayain na syang magpakasal ni Gene. Madalas kame sa skype or messenger basta may oras nag-uusap pa din kame.
          Siempre dito sa manila may mga naging kaibigan na din ako mga kasamahan kong writers. Naging malapit sa akin si Mia at si Ron. Akala ko nga dati type nya ako yun pala type nya akong kulutan. He's gay kaya kame magkasundong tatlo kasi pareho ko din silang luka-luka. Si Ron lang ang may 9-5 job kasi dun sya nagta-trabaho sa publishing house, mataas na ang posisyon nya dun. Di mo sya aakalaing gay kasi macho sya pero grabe pagtumili na naku daig pa kame ni Mia. Mabait ang dalawang yan sa akin sila ang naging mentor ko sa pagsusulat at sa personal na buhay ko din. Mga prangka at sasabihin sa'yo ang totoo kahit masaktan ka pa. Basta ang importante sa kanila walang plastikan mga totoong tao.
          Sa araw- araw na nagsusulat ako mas nakakapag-isip ako ng magandang twist ng istorya ko pag nakakakita ako ng mga tao...inaaral ko ang mga galaw at salita nila. Minsan nga mas nakakuha pa ako ng magandang karakter na inilalagay ko sa mga novel. Gumagalaw ang utak ko habang minamasdan ko at pinakikinggan ang mga usapan at batuhan sa kwentuhan nila. Umiikot ang buhay ko sa ballpen, notebook, laptop at telepono ko. Pero hindi lahat ng pagkakataon nakakalikha ka. Minsan pag inabot ka ng lungkot at pag may naalala kang mga bagay na gusto mo ng kalimutan kahit ayaw mo at kahit ipagwalang bahala mo pa bumabalik ka pa rin sa mga bagay na ibinaon mo na sa limot. Gaya ngayon limang oras na ako dito kahit isang chapter wala pang ako nauumpisahan. Para bang walang laman ang isip ko at di gumagana ang utak ko. May nakita kasi akong grupo ng basketball players dito at may biglang nag-pop-up sa isip ko. Parang kelan lang may ganoon kameng eksena sa davao.
          Kumusta na kaya ang Davao....tagal ko ng di bumabalik dun...at sa ngayon wala sa plano kong bumalik kung pwede nga huwag na sana akong bigyan pa ng pagkakataon. Mas mabuti ng iwasan ko na lang para walang gulo para tahimik. Hayaan ng ganito na lang di naman kaylangan baguhin o bumalik pa sa mga bagay na di na kaylangan pang balikan. Sa isip ko na lang babalikan ang Davao okey na ako dun. Mas okey na ang ganito walang madadamay nakayanan ko naman ng anim na taon. Mas maayos na ako sa ganito, tahimik walang komplikasyon at walang mga taong nagtatanong o nag-uusisa sa kung anong kaganapan sa buhay ko.
          Sa ngayon kuntento ako kahit di pang karaniwang ang buhay ko. Sa edad kong 25 mas madami akong obligasyon na dapat unahin habang bata ako kaylangan kong mag doble sikap habang madaming tumatangkilik ng mga story ko sa pocketbooks. Mag-ipon magplano mag-isip ng negosyo na pwedeng masandalan. Di ko pwedeng unahin ang personal kong buhay at di pwedeng pagtuunan ng pansin ang mga bagay na alam kong makakapag-pagulo kung ano man ang sitwasyon meron ako. Kahit wala akong lovelife masaya ako...kasi di ko hinahanap kung ano man ang wala sa buhay ko. Kung anong meron ako ngayon i'm okey with that. Natuto na akong maging kuntento at wag ng mag-hanap pa. Minsan ko ng sinuway ang bagay na di dapat mangyare at napaka laki ng naging kapalit nun pero hindi ako nag-sisisi....no regrets di man inaasahan ang kinalabasan fullfilling naman. In life you have to accept what's instore for you. You may not like it but you have to live with it and in the end only you who will rule your own little world...ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo ikaw din ang magbabangon kung saan ka man nadapa. Mahirap ang proseso pero wala namang madali di ba....nasa iyo na yon kung pano mo didiskartehan ang buhay mo....

Stupid heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon